Noong Sabado ay tinapos na namin ang mga diskusyon at reporting para sa Fil 201 o Kritisismong Pampanitikan ng Filipinas. Isang buong araw na marathon ang araw na iyon. Nakakatuwa naman. Pagdating ng tanghali, habang nagtatanghalian kaming mga magkakaklase, puros mga may alusyon sa teorya't kritisismo ang mga joke namin. "Naa-other na naman ako." "Hindi ko napangatawanan ang aking masculinity." "Mapapatigil sila sa ating gaze." At ang paborito naming pang-asar kay Nikka, "Lalaki ka kasi."
Pagkatapos ng klase, tumambay lang muna kami sa smocket. Nakasama namin doon si Sir Larry at nag-usap-usap tungkol sa mga tula at panitikan. Masaya rin yung tambay na iyon.
Nanood rin kami nina Nante at Nikka ng "Sandaang Panaginip." Iyong gabing iyon ang huling palabas kaya marami-rami rin ang mga taong nanood. Sa inupuan namin, nakatapat namin si Dr. Bien Lumbera. Kakaiba ang likod ng ulo ni Dr. Lumbera.
Komento ko lang siguro sa dula, na dahil napakadaming nais nitong gawin, nagiging sabog ang dating nito sa akin. Bagaman maganda at engrande ang presentasyon ang dula at maraming mga nakakatawang mga eksena, mayroon pa ring pakiramdam ng pagkukulang para sa akin sa dula. Bagaman pinaasip pa rin ako ng dula kahit na tapos na ito. Isang bagay na bihirang magawa sa akin ng mga dula.
Noong Lunes, balik sa klase para sa tula. Sa totoo lang. atat na ako para sa workshop. Para malaman ko rin naman kung may kuwenta ang mga tula ko o hindi.
Kanina naman ay ang deadline para sa ikalawang batch ng mga tula. Sa lahat-lahat, mayroon na akong 14 na tula na ipasa. OK na iyon para sa 15 required.
Meme nga pala mula kay K
Leave a comment here and I'll--
1. Tell you why I friended you.
2. Associate you with a song/movie.
3. Tell a random fact about you.
4. Tell a first memory about you.
5. Associate you with an animal/fruit.
6. Ask something I've always wanted to know about you.
7. In return, you must spread this meme this in your own LJ.
Miyerkules, Pebrero 28, 2007
Miyerkules, Pebrero 21, 2007
"Li who?"
Medyo kalat ako ngayong linggong ito. Hindi ko alam kung bakit. Noong Lunes, halos buong araw masakit ang ulo ko. Dahil siguro sulat lang ako nang sulat nang mga nakalipas na linggo. Mula alas syete ng gabi hanggang alas onse ng gabi. Pero wala pa naman talaga akong natatapos, maliban sa ilang mga panget na tula.
Kahapon, consultation ko para sa tula kay Ma'am Beni. Okay naman. Kung ginagawa lang niya ang ginagawa sa one-on-one na mga consultation, mas magiging interesante ang mga klase. To the point si Ma'am Beni, walang bola. Kaya agad niyang nasabing hindi niya nagustuhan ang unang dalawa tulang pinag-usapan namin. Pero nagustuhan naman niya ang sumunod na dalawa. So 50/50 ako. Ewan kung anong nagustuhan ni Ma'am Beni sa mga tulang nagustuhan niya. Mga "Nature Poems" tawag niya sa dalawang nagustuhan niya. At kung titingnan yung mga koleksiyon ni Ma'am Beni, marami siyang mga Nature Poems. Kaya pinabasa niya sa akin sina Li Po, Tu Fu, Wang Wei, atbp. mga makatang Tsino. Natipuhan ko ang mga tula ni Li Po. Ewan ko kung bakit. Ito, basahin n'yo ma lang.
Reverence-Pavilion Mountain, Sitting Alone
The birds have vanished into deep skies.
A last cloud drifts away, all idleness.
inexhaustable, this mountain and I
gaze at each other, it alone remaining.
Inscribed on a Wall at Summit-Top Temple
Staying the night at Summit-Top Temple,
you can reach out and touch the stars.
I venture no more than a low whisper,
afraid I'll startle the people of heaven.
Thoughts in Night Quiet
Seeing moonlight here at my bed,
and thinking it's frost on the ground,
I look up, gaze at the mountain moon,
then back, dreaming of my old home.
(mga salin ni David Hinton)
May sense naman kung bakit nga nagustuhan ni Ma'am Beni ang mga "Nature Poems" na iyon. Magaganda ang mga tunay na Nature Poems ni Li Po kaysa sa mga tula kong hango sa mga lumang blog post. Pero nagustuhan ko naman ang mga tulang Tsino. Yung tono at estilo nila ang nakakatuwa, napaka-bare.
Dapat binasa ko na ang lahat ng mga readings para sa crit pero hindi pa rin. jologs.

Martes, Pebrero 06, 2007
Ang Nakalipas na Linggo
Linggo, Enero 28 - Nanood ako ng "Babel." Maganda. Karadapat-dapat na ma-nominate sa Oscars. Karapat-dapat manalo? Ewan ko lang. Mahirap manghusga. Nagustuhan ko ang apat na pinagtagpi-tagping kuwento bagaman medyo uneven ang takbo ng buong pelikula. Gusto ko yung mga kuwento ng nasa pamilyang Moroccan at ng pipi't binging Hapon.
Lunes, Enero 29 - Pagkatapos ng klase sa Tula, nanood ako kasama ng ibang kaklase sa panonood ng gig ng los chupacabras at gapos sa mag:net. OK ang banda't panonood. Mahina lang talaga ang mic kaya ko masyadong naintindihan ang lahat ng mga kanta.
Miyerkoles, Enero 31 - Sinamahan ko si Twinkle at Em na pumunta sa UP-ICW para makipagkita kay Mang Jun Cruz Reyes. Isang itong secret misyon. Nakasalubong din namin si Caty sa may KAL. Nag-usap kami nang ilang minuto kay Mang Jun. Hiningan ako ng kuwento ni Mang Jun pero wala akong dala noon. Nakakahiya. Pagkatapos noon, tumambay lang kami nina Em at Twinkle sa Starbuck. Nag-usap ng kung ano-ano. Hanggang gabi.
Biyernes, Pebrero 2 - Pinag-research ako sa library ni Ma'am Coralu para sa ire-revive ng Kagawaran na journal na "Katipunan." Pina-xerox niya sa akin ang mga copyright ng "Katipunan" na nalathala sa panahong nasa Ateneo pa sina Virgilio Almario at Bienvenido Lumbera noong dekada 70, bago ideklara ang Martial Law. Isang taon at apat na isyu lang lumabas ang "Katipunan," noong 1971.
Linggo, Pebrero 4 - Pinanood ko ang "Apocalypto." Astig. Napakaganda. Intense mula sa simula hanggang sa katapusan. Sanayan lang naman sa pagbabasa.
Martes, Pebrero 6 - Nag-research naman ako sa University Archives. Para naman ito sa paghahanap ng mga artikulo sa Matanglawin at Heights tungkol sa pop culture. Gagamitin para sa pagrerebisa ng "Likha," textbook para sa Fil12. Sa tatlong taon o tatlong volume na pinasadahan ko ng Matanglawin, dalawang artikulo lang ang nakita kong sakop ng pop culture. Umaasa na lang ako sa susunod na mga araw na mas madami pang mga artikulo ang matisod ko. Dumaan din ako sa American Historical Archives. May nakita akong isang libro tungkol sa kasaysayan ng San Pablo. Wala lang.
Sa nakalipas ding linggo, natapos kong basahin ang "Ginto sa Makiling" ni Macario Pineda, "Antyng-Antyng" ni Uro Q. de la Cruz, at "Laji" ni Florentino Hornedo. Nasimula ko na kanina ang "Bata Sinaksak, Sinilid sa Baul" ni Tony Perez.

Sabado, Pebrero 03, 2007
The Tin Drum
(Matagal-tagal ko na ring hindi napag-uusapan ang mga nababasa ko.)
Nakita ni Sir Vim na binabasa ko itong "The Tin Drum" ni Gunter Grass noong nakalipas na Nobyembre sa cubicle ko. Agad na hirit ni Sir, "Baliw 'yan 'no?" Kung ang pangunahing tauhan at tagapagsalaysay ng nobela ay nakakulong sa loob ng isang mental hospital at inaalala ang kanyang buhay, tama nga siguro ang hirit na iyon.
Si Oskar Matzerath ang pangunahing tauhan at tagapagsalaysay ng nobela. Sa kanyang pagbabalik-tanaw sa kanyang buhay, hindi lamang niya nababalikan ang kanyang personal na kasaysayan, gayun ang masalimuot na kasaysayan ng lungsod ng Danzig, na ngayo'y tinatawag nang Gdansk, ng Poland at ng Germany. Sinimulan niya ang kanyang kuwento bago pa man siya ipanganak, sa kuwento ng kanyang lolo't lola sa ina, kung kailan ipinapakilala ang kanyang lolo bilang isang nasyonalistang Pole sa panahong walang bansang Poland. At sa kalakhan ng nobela, lumalabas ang tensiyong ito ng nasyonalismo, relihiyon at lahi. Maigting ang tensiyon sa pagitan ng kanyang amang Aleman, na magiging miyembro ng partidong Nazi, ang kanyang ina at tiyong Pole, at habang siya'y lumalaki, sa pagitan ng kanyang sarili at sa kanyang mga makakasalamuhang mga tauhan sa Danzig.
Kronolohikal ang buong banghay ng nobela kaya't mahirap malito. Pansin nga ni Allan Derain, na kapit-cubicle ko, na parang mga maiikling kuwento ang bawat kabanata ng nobela. May dinaragdaga ang bawat kabanata tungkol sa buhay ni Oskar at gayun din sa buong karanasan ng panahong iyon. Ang kabaliwan at gayun din ang katauhan ng mga tao sa nakalilitong panahong iyon.
Gumagamit si Grass ng mga teknik na masasabing fantastic at magic realism. Ngunit naniniwala ako na walang iisang batayan kung ano ang "real" o "totoo." Dahil nga kamalayan ni Oskar ang nagsasalaysay ng nobela, ang kanyang partikular na pag-unawa sa mundo ang mababasa. At kaakit-akit ang kamalayang ito dahil hindi isang payak na mundo kung saan ang moralidad ay malinaw sa pagitan ng masama at mabuti. Si Oskar ay isang duwag, manloloko at traydor sa kanyang mga kasama ngunit sa huling bahagi ng kanyang kanyang talambuhay, sa panahon pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, mahihinuha ang pagbabago sa kanya. Kung pagsisisi man ito, hindi ito pagsisisi na pag-iyak at pag-amin. Hindi ganoong kasimple ang pagbabago na nangyari kay Oskar.
Mahaba ang nobela, siksik sa mga pangyayari, kakaiba't nakatutuwa. Habang tumatagal, nahuhumaling ako sa mga nobelang walang pag-aatubiling dalhin ang mambabasa sa lugar na hindi madalas dalhin ng ibang mga "ordinaryong" aklat, ang kaibuturan ng kasaysayan at ang kaibuturan ng sarili.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)