Naiinis na ako sa mga "pasabog" na iyan na pinaglalabas ng kung sino-sino at ano-anong mga grupo diyan sa tabi-tabi. Wala akong sinusuportahan. Hindi si GMA o ang "oposisyon" na iyan, kung matatawag silang oposisyon. Kung tama man ba ang mga alegasyon nila, idaan nila sa tamang mga daan, sa korte o kaya ay mangampanya sa pagpapa-impeach kay GMA. Huwag nilang sabihin na ginagawa lang nila iyon para sa kapakanan ng bayan o para sa katotohanan dahil para sa akin sa kapakanan lang nila ang kanilang pinaggagagawa.
Mahirap paniwalaan kung sino ang nagsasabi ng totoo sa mga isyu ngayon, sa jueteng o sa election fraud. Isang malaking "sabi-sabi" ang nangyayari at hindi ko maintindihan kung ano ang gusto nilang gawin maliban na lang na pabagsakin ang pangulo. Kagaya ng sinabi ko, hindi lubos ang suporta ko kay GMA. Ngunit naniniwala ako sa kagandahan ng institusyong tinatawag natin na gobyerno na naaayon sa Konstitusyon ng Pilipinas. Masasabi nating corrupt ang mga pulitiko ngunit kasalanan natin iyon dahil bilang mga mamamayan ng Malayang Bansang Pilipinas ay kinukunsinte at pinapabayaan natin ang mga kurakot at hindi karapat-dapat. Huwag na sana tayong patanga-tanga at aminin na may problema tayo.
Ngunit hindi ko hahayaan na mamuno, labag sa aking kalooban o kalooban ng mga kababayan kong Pilipino, ang isang isang grupo, militar man o hindi, nang basta-basta. Kagaya ng sinasabi ko, naniniwala ako sa sistema natin at sa konstitusyon. Ang problema natin ay mga naluluklok. Hindi nila interes ang kabuuang kapakanan ng ating bayan. Hindi ko pinagkakatiwalaan ang oposisyon man o administrasyon dahil sila-sila ang nag-aaway, wala man lang pakialam sa mga tunay na problema ng bayan.
Hindi ako naniniwala sa kudeta. Kalokohan. Traydor lang ang mga gumagawa niyan. Sibilyan man o sundalo ang gumawa niyan, hindi iyan makabansa, makabayan, at ultimo, hindi tama. Kung ayaw sa isang opisyal, i-impeach, sibakin, tanggalin sa mga naaayong mga hakbang. Kung magkakaroon ng putukan, hindi dapat nilang tawagin ang sarili nilang mga Pilipino.
Nakakaasar at kahit sino ang iboto natin ngayon, may gagawa't gagawa pa rin intriga dahil ayaw nila sa administrasyon. Pare-pareho lang naman sila. Kung totoo man ang jueteng pay-off, idaan sa korte. Kung totoo naman ang election fraud, i-impeach si GMA. Huwag nating idaan sa santong paspasan ang katotohanan. Lalabas at lalabas din iyan sa kanyang sariling bilis.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
3 komento:
haay, mitch... katulad nmo, pagod na pagod na rin ang lahat sa pulitika... sila-sila na lang ang nagtatalo doon. kahit anong pasabog ang ilabas nila, wala nang pakielam ang mga tao kasi paulit-ulit lang eh... tapos wala namang mabuting nangyayari.
gusto ko sana sabihin sa iyo na 'wag mo na lang isipin iyan, kaya lang responsibilidad nating maging "aware" bilang mga mabubuting mamamayan eh... hindi ko pa alam kung ano ang ating magagawa tungkol diyan, pero sigurado, pagdating ng araw, may maiisip ka din. kapag may naisip ka na, suportahan ta ka. pramis. (basta makumbinsi mo ako na para ito sa ikabubuti ng lahat!).
easy ka lang. alalahanin mo ang puso mo... baka ma-heart attack ka pa dahil sa mga loko na iyan... :P
Kaya nga. Kailangan nating maging "aware" ang gusto kong sabihin sa post na iyan. Ayokong magkaroon ng "People Power" wala namang batayan.
Hayaan mo, hindi na masyadong mainit ang ulo niyan. :D
ay korek.
hindi na para sa tao ang gobyerno ngayon, para sa kanilang mga bulsa na.
sayang lang yung pera ng tao na binabayad, napupunta lang sa paglilitis ng "tape" ni gma. nagbabayad sila ng tax, pero yung mga daan sa mga probinsya, lubak-lubak; yung mga paaralan, walang bubuong; yung mga tao, gutom.
is this where our taxes go?
Mag-post ng isang Komento