Kararating ko lang ng Pilipinas noong gabi ng Huwebes at nakarating dito sa bahay ng mga hating gabi. Mahaba ang flight at hindi ako makatulog sa flight mula L.A papuntang Narita. Asam na asam ko na ang pag-uwi. Nakakapagod ang bakasyon. Para ngang hindi bakasyon ang ginawa ko eh. Parang isang mahabang biyahe na tumagal ng ilang linggo.
Natulog na kami na kaagad pagkatapos makarating ng bahay. Hindi na namin masyadong pinansin ang bagahe namin. Makakapag hintay na iyon.
Kinabukasan ay nagpahinga na lamang kami. Tinanong ko kay Paolo kung may gagawin bang mahalaga at pinaalala niya s aakin na may swimming/outing sa Sabang Hills. Pumayag ako na sumama pero kailangan ko munang magpaalam na aalis ako. Noong kinagabihan ay nagpunta kami sa Duty Free. Obvious, namili. At doon na rin ako nagpaalam.
Sabado, naghanda na ako para sa pagpunta ko sa resort. Nagdala ako ng ilang matamis at tsitseriya. M&M's, Pringles at Planters. Usapan ay alas otso, magkikita sa 7-11 pero dahil malapit lang naman ako sa resort, mga alas 9 na akong pumunta doon.
Maraming tao ang pumunta. Mga kaklase ko noong high school. Si Carla, Mara, Antonette, Aina, Lulu, Paolo, at Daniel ay naandoon na. Naandoon na rin si Krisette noong dumating ako. Nagbalik-bayan muna kasama ng mga kapatid niya. Kasama rin ni Krisette ang boyfriend niyang si Jae. Noong dumating ako hindi pa sila lumalangoy sa pool ngunit agad naman silang lumusong noon. Parang hinihintay lamang ang pagdating ko. Alas 9 y medya na noong naglanguyan na kami. Wala namang masyadong mga ginawang kakaiba. Mga laro-laro sa swimming pool. Batuhan ng bola. Habulan. Sisidan ng piso. Yun. Gusto ko sanang makausap ang ilan sa kanila. Bihira ko na lang silang makita eh. Sumunod si Gino sa outing. Medyo nahuli gawa ng nagninong sa binyag. Alas dose na ng umaga siya nakarating. Sumunod din naman si Raj ngunit medyo huli na rin siya. Mga alas dos na ng hapon siya nakarating.
Napansin ko lang, ay halos parang walang nagbago sa amin. Ganoon pa ring mga masisiyahin at pala birong mga tao sila. Ganoon kami noon pa man. Mga palabiro. Napakaseryoso kasi ng paligid namin noon. Kaya eto, nasanay na palaging nagbibiruan at naglolokohan. Walang tahimik noon. Maliban sa akin kasi medyo pagod pa ako mula sa paglalakbay. Ang tindi ng tama ng bakasyon na iyon.
Nang paalis na kami ay medyo napagdiskitahan ako. May dala akong M&M's eh. Gusto nila pero dahil pauwi na at wala nang oras para kumain ay pinaghati-hatian nila ang tsokolate. Nakakatuwa nga eh. Wala silang mga lalagyan kaya nag-improvise. Inubos yung Pringles para may malagyan at kumuha ng plastic na supot. Pinaghati-hatian. Kung lang ako inaantok, siguro ay nakangiti lamang ako sa kanilang ginagawa.
Nagpasundo ako habang nauna na sila sa dalang sasakyan ni Krisette. Nagkawayan at batian mula sa bintana habang papalayo sila. Pagkatapos noon ay dumiretso ako ng clinic para magsimba. Malapit lang ang simbahan doon.
Kumanta ako sa misa. Kagaya ng kalimitanm kong ginagawa dati noong nasa high school pa ako. Kasama ko Gino at Aina mula kanina. Naandoon kami sa likod ng mga bagong miyembro ng koro. Ganoon lang kasi nahuli kami sa pagdating.
Noong Linggo, dating gawi. Pahinga sa umaga tapos ay pasyal sa mall sa hapon. Noong Linggong iyon ay umalis na ng bahay ang mga katulong namin na sina Ate Buena at Ate Cecil. Personal ang dahilan ng kanilang pag-alis. Dapat ay sa katapusan ng buwan sila aalis pero gusto na talagang umuwi ni Ate Buena.
Ngayon ay kakakain lamang namin sa labas. Paghahanda para sa kaarawang ng kapatid kong si Tetel. Sa Max's kami kumain. Nabusog ako. Matutulog na rin ako.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento