Nakakatuwa ang nangyari kahapon. Dati ay mayroon butas sa tenga para sa hikaw ang kapatid kong si Tetel. Noong bata pa siya ay nagkaroon ang sinasabing mga butas ng impeksiyon kaya noong nagamot ang impeksiyon, nawala ang butas sa tenga ni Tetel. Mula noon hanggang ngayong nagdadalaga ay walang butas sa tenga para sa hikaw ang kapatid ko. Pero nagbago iyan kahapon kasi nagpabutas na rin siya pagkatapos ng matagal na panahon. Ginawa iyon sa Alabang Town Center. Naggagala sila nang sabihin ni Mama, "Tara, magpabutas ka na." Ang nakakatuwa? Nahimatay siya! Nanlambot ang mga paa at nawalan ng malay habang nakatayo na nahimatay. Ang huli niyang mga salita bago mahimatay, "Mama, nahihilo ako." Iyon, knock out. Nalaman ko nang pumunta sa tinitigilan namin ni Ninang Lily si Mae kasi bibili ng tubig. At imbes na siya na mismo ang gumawa noon ay si Kuya pa niya ang napag-utusan. Bait ako eh, kaya bumili na rin ako sa malapit na tindahan doon. Nang makita ko nga ang kalagayan ng kapatid ko eh di hindi na ako nagduda sa nangyari. Nahimatay nga. Nanlalabo daw ang mga mata tapos namumutla pa. Taranta din naman si Mama at ang dalawa ko pang kapatid. nagpabili din ng ice cream. Hay. Tapos noon, ok na. Nabigla lang siguro.
Nga pala, mayroon kaming bagong aso. Sosyal, German Shepard. Astigin. Ok din kaya lang matrabaho. Ang mitikoloso ng pangangailangan. Kailangan ay Bear Brand ang gatas, Pedigree ang pagkain, at Distilled Water ang iinomin. Parang may anak ka. Hindi kasi ganoon ang mga asong kalye na sanay naming alagain. Pangalan nga pala niya ay Shaq. Basta. Si Dad ang nagpangalan. Panget nga daw sabi ng mga kapatid ko. Kobe na lang daw sana. Pero ang ama ang masusunod.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento