Biyernes, Abril 24, 2009
Tunay na lalaki ka ba?
Gusto mo bang malaman kung papaano maging tunay na lalaki? Alamin mula sa tunaynalalake.blogspot.com.
Biyernes, Abril 17, 2009
Links
Links na pampanitikan:
Eve Sedgwick, pumanaw na. Isang kagulat-gulat na kaalaman--may asawa pala siya.
Hindi, hindi, nagsusulat pa rin daw si Gabriel Garcia Marquez.
Nobela ni Kazuo Ishiguro, isasapelikula. Keira Knightly no less! Basahin ko na nga ang kopya ko...
Mga wasak na ikalawang nobela.
Mga di-wasak na ikalawang nobela.
"Kite Runner", gustong i-ban.

Huwebes, Abril 16, 2009
8th IYAS Creative Writing Workshop Audio Recording - Session 13 (A, Memories...)
Bilang pag-alala sa nakaraang 8th IYAS Creative Writing Workshop (ego tripping na rin), heto ang isang audio recording ng session ko at kung paano sinuri't binasa ng panel ang dalawa kong kuwento. Inayos ko rin ang post na ito para maging podcast ang recording. Medyo mahaba-haba iyan. 1 h and 15 mins. ata.
Meron na rin atang mga fellows para sa 9th kaya tumatanda na naman ako. Kongrats sa kanila, kung sino man sila.
Kasama nito, heto ang official TXTM8RS Inuman Lexicon.

Load – alak/alcohol
Magload – tumagay
Dial – chaser
Magdial – uminom ng chaser
Text – pulutan
Deadbat – nagsuka
Lobat – tahimik
Charging – tulog
Cell site – inuman/lugar
No network coverage – walang mahanap na lugar
Line – free flowing alcohol
Pasa-load – tagay nang kaunti
All text – puro pulutan
Speed dial – matakaw sa chaser
Missent – naitagay sa
snatch - biglang nawala/maagang aalis
“wer n u” – “nasaan na ang tagay?”
“d2 n me” – “narito ang tagay”
sun – gin
globe – grand matador/hard
smart – san mig/beer
vodafone – wine
Martes, Abril 14, 2009
Ilang Tala sa Mahal na Araw 2009
1.
Ito ang unang taon kung kailan sumali ang pamilya namin sa Prusisyon ng Binangonan. Matagal nang gustong sumali ni Dad sa Prusisyon noon. Madalas ding sumali si Dad noon sa panata ng pagbuhat ng Santo Sepulkro noong bata-bata pa siya. Taon-taon halos ay nagtatanong si Dad kung sinong santo, santa o rebulto ang maaari pang idagdag sa Prusisyon. "Ang Paghuhukom" ang ibinigay sa amin. Iyon ang eksena ng pangalawang pagharap ni Hesus kay Pontio Pilato. Limang rebulto ang nakasakay sa karosa, si Hesus, pagkatapos siyang bugbugin at koronahan ng mga sundalong Romano, ang Pariseas, isang sundalong Romano, at isang babae (hindi ko alam kung sinong santa iyon. Am a bad Catholic). Puno ng mga bulaklak ang pagpapalamuti ni Kuya Lem sa karosa pero pagdating ng Biyernes Santo, pinatanggal ang mga ito (dahil masyadong maganda at ayaw magpatalbog ang ilan) at halaman na lang daw ang ipinalagay. Para daw patas. Kuno. Heto ang ilang mga larawan mula sa mga araw namin doon.
2.
Noong Huwebes, nag-Bisita Iglesia kami nina Mama at Ninang. Imbes na sa mga simbahan sa Laguna kami mag-Bisita Iglesia, sa mga simbahan kami ng Metro Manila nagpalipat-lipat. Mula San Pablo Cathedral, pumuta kami sa Don Bosco, kung saan unang nagpakasal sina Dad at Mama, sa Baclaran, sa Manila Cathedral, sa San Agustin, sa Quiapo at natapos kami sa Antipolo. Nakita namin sa Baclaran si dating Press Sec. Ignacio Bunye. Sa Intramuros naman, sinarado ang isang kalsada na nag-uugnay sa pagitan ng Manila Cathedral at San Agustin. Bago kami umuwi ng San Pablo, dumaan kami ng Binangonan para kumustahin ang mga nangyari doon.
3.
Habang nasa Binangonan, tinapos kong basahin ang "Feast and Famine: Stories of Negros" ni Rosario Cruz Lucero. Binubuo ng limang mahahabang mga kuwento, umiikot ang mga kuwento sa Negros (hindi pa ba obvious sa subtitle?) mula sa panahon ng mga Kastila hanggang sa panahon ng higit na kontemporanyo. Bagaman mahahabang mga kuwento, may kakayahan si Lucero sa wika't pagkukuwento kaya't mabilis ang pagbasa ko. Maiuugnay ito sa tradisyong oral, partikular na ang mga composo ng Negros, na tinatangka ni Lucero na angkupin sa karamihan ng mga kuwentong ito. Ngunit marami ring mga nibel at intertextuality ang mga kuwento. Dito naman nilalampasan at dinadagdagan ni Lucero ang mga anyong oral na inaangkop niya. Puno ang mga kuwento ng mga bersiyon, ng mga kontradiksyon na nagbibigay ng tensiyon sa kanyang mga kuwento, bukod pa sa mga kakatwang mga katangian ng kanyang mga tauhan. Bagaman magaang basahin, masalimuot ang mga kuwento at karapat-dapat basahin ng lahat.
4.
Napanood ko kasama ni Dad ang "Fast and Furious" noong Sabado. Okey lang na palabas. Medyo wala nawala na sa alaala ko ang unang pelikula pero hindi naman mahalaga kung napanood mo o naalala ang una para maunawaan ang bagong instalment na ito. Nag-enjoy naman ako kahit papaano. Hindi lang ganoong astig ang mga car scenes. O hindi ko masyadong napahalagahan dahil sa napakasentimental na kuwento.
5.
Napanood ko kagabi ang ilang mga episode ng "True Blood" at naaliw ako. Ewan ko kung maghahanap ako ng DVD para mapanood nang buo. Ayokong magpuyat para lang mapanood iyon sa Cinemax.
6. links
Isang sanaysay tungkol kay Alan Moore at ang kanyang mga akda at kung paano mananatili pa ring mahalaga ang mga ito kumpara sa mga adaptasyong pelikula.
Mga nobelang naglalarawan ng protesta.
Mga pinakamahahalang aklat pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Karamiha'y mga akdang pilosopikal at sosyolohikal. May ilang mga nobela.
Isang panayam kay Joyce Carol Oates.
Sampung "one-hit wonders".
Sampung mga akda tungkol sa mga magkakapatid.
7.
Isang larawan ng bulaklak

Ang Paghahatol (Miyerkules)
Si Evan at Ate Ting
Si Meo, ang... ano'ng tawag mo sa anak ng pinsan mo?
Si Ninang at si Mama
Si Dinna at si Ian
Si Mae, si Ate Rowena, si Dinna at si Ate Ting
Si Tetel, si Marol, si Ate Ting, si Debbie, si Donna at si Evan sa tapat ng Sta. Magdalena
Ang Paghahatol (Biyernes)

Linggo, Abril 05, 2009
Rebyu Edition
1.
Medyo natagalan akong basahin ang nobela ni Egay, ang "Walong Diwata ng Pagkahulog". Hindi naman dahil sa sobrang haba ito. Pero mahaba-haba din naman ito kung titingnan nang mabuti ang disenyo ng nobela. Manipis ang papel na ginamit at maliit ang font na ginamit sa nobela. Pero kuwento sa akin ni Charles noong Taboan Festival na nabasa niya ito sa loob lamang ng ilang araw. Tinapos niya kaagad ang nobela dahil, kung tama ang pagkakaalala ko, pakiramdam niya'y baka may mawala o hindi siya mahuli kung tatagalan pa niya ang kanyang pagbabasa. Siguro natagalan naman ako dahil sa parehong pakiramdam bukod pa sa pagbigat ng trabaho sa Kagawaran nang patapos na semestre. Marahil ang pangunahing dahilan talaga kung bakit ako natagalan sa pagbabasa ay ang kakaibang estilo't pamamaraan ng nobelang ito. Sa kabuuan, mapagmuni ang estilo't pamamaraan ng nobela. Hindi lamang simpleng isinasalaysay ang mga anekdota't pangyayari. Pinagmumunihan ng tagapagsalaysay ang kanyang isinasalaysay. Maging ang kanyang mismong pagsasalaysay ay pinagmumunihan. Nakakapanibago ito lalo na kung sanay ka sa higit na tradisyunal na pagkukuwento. At marahil nasa pamamaraan na ito lumalabas ang kabuuang tensiyon ng nobela. Pagsusulat ang pangunahing problema ng nobela, ang mga tatangka ni Daniel, ang pangunahing tauhan, na isulat ang kanyang nobela. Pinagmumunihan at iniuugnay ng "Walong Diwata..." ang pagsulat at buhay at maging ang pagsulat at kamatayan. Ilan lamang ito sa mga sinasagi ng nobela. Pabugso-bugso din ang nobela. Maraming pagkakataon habang nagbabasa na nakaramdam ako na patungo ang pagsasalaysay sa isang rurok o climax ngunit hindi talaga darating doon, o ibang rurok ang pinatunguhan ko kaysa sa inaasahan.
2.
Nang umuwi ako noong graduation ni Marol, kumuha ako ng kopya ng komiks ng "Wanted" at "Superman: Red Son". Parehong sinulat ito ni Mark Millar habang si J.G. Jones ang ilustrador sa "Wanted" at si Dave Johnson sa "Superman: Red Son". Maiikli lamang ang dalawang komiks na ito kaya madaling basahin. Pinagbatayan ang "Wanted" ng pelikula na pinagbidahan nina Angelina jolie at James McAvoy. Sobrang magkaiba ang komiks sa pelikula kaya kumpara sa karanasan ko sa pelikula at graphic novel na "Watchmen", walang masyadong paggambala sa pagitan ng dalawang medium. Sa totoo lang, medyo naiklian ako sa "Wanted" pero interesante ang kanyang premise kung saan namayani ang mga supervillain imbes na mga superhero sa mundo at sila ang kumokontrol sa lahat. Interesante ang pag-uugnay sa karahasan at consumer society.
Natuwa din ako sa "Superman: Red Son" kung saan hinaka ni Millar na imbes na Amerikano, naging Soviet si Superman. Nakatutuwa ang pagbabagong ginawa kay Superman, Batman, Wonder Woman, Green Lantern, Lois Lane at Lex Luthor. Pamilyar pa rin pero iba. At ganoon naman talaga ang punto ng komiks. Interesante ang pagbuo ng megalomania nina Superman at Lex Luthor dito. Na sa huli, bagaman sila ang pinakamatinding magkaribal, silang dalawa lang talaga ang nauunawa sa isa't isa dahil sa kanilang magkahawig na ambisyon at pagnanasa para sa mundo.
3.
Matagal ko nang nabasa ang "Martial Law Babies" ni Arnold Arre pero hindi agad binigyan ng maikling revyu dahil nabagabag ako nang matindi sa nobelang ito at baka amy masabi akong hindi kaaya-aya pero hindi ko naman talaga gustong sabihin. Medyo malabo ang pakiramdam ko para sa nobelang ito. Maganda ang paghahalo't pagbabalanse ng nostalgia at pagpapatawa. Sinusundan ng nobela ang buhay ng mga magkakabarkada mula sa kanilang kabataan hanggang sa kanilang pagtanda. Kakaiba ang komiks na ito kumpara sa mga nauna ni Arre dahil walang bahid ng fantasya ito. Malinaw ang historical at pop culture reference sa akda. Mga middle class, Inglesero't mababa ang tingin nila sa pop culture ngunit, sa kabalintunaan ng nobela, tadtad ito ng iba't ibang pop culture reference. At bagaman interesante ang paggamit sa pop culture, medyo nakulangan ako sa paggamit sa kasaysayan sa kabuuan ng nobela. Para bang mas malalim talaga ang ugnayan nila sa pop culture kaysa sa kasaysayan, na palamuti lamang si Imelda, ang EDSA revolution at Pinatubo. Sa dulo ng lahat, magkakawatak-watak ang mga magkakaibigan, partikular sa antas na heograpikal. Ngunit alaala ang nagbubuklod sa kanila, mga pinagsamahang karanasan. Kaya marahil mas mabigat ang halaga ng pop culture kaysa sa kasaysayan sa akdang ito.
5. Mga link
Mga fellows para sa UST Writers' Workshop. Kongrats kay Kevin!
Mga fellows para sa Iligan Writers' Workshop. Kongrats kay Mix at Jason!
Naging matunog sa The Guardian ang pagreretiro ni Gabriel Garcia Marquez. Ito ang ilang mga artikulo kaugnay ng balitang ito: 1, 2, 3.
Kung bakit mahalaga ang pagsasaulo ng mga tula.
Pagbibigay halaga sa maikling kuwentong Amerikano.
6.
Pumasa na nga pala ako ng compre. Pwede na akong mag-thesis!

Heto ang ilang mga larawan ng graduation ni Marol. Siya dapat ang Salutatorian pero hindi naman mahilig sa palakasan ang mga magulang ko kaya 1st Honorable lang siya. St. Magdalene Award naman siya, ang pinakamataas na parangal na ibinibigay ng Canossa sa isang estudyante, kaya okey lang.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)