Tag mula kay Cerz
1. Collected Stories - Gabriel Garcia Marquez (Hindi ko pa rin talaga nababasa nang buo ang kopya ko nito bagaman nabasa ko na ang karamihan ng kuwento sa loob ng koleksyong ito.)
2. Oscar and Lucinda - Peter Carey (Binabasa ko ito ngayon.)
3. Brothers - Yu Hua (Binabasa ko rin ngayon pero itinabi ko muna para tapusin ang "Oscar and Lucinda".)
4. Zeno's Conscience - Italo Svevo (Nasimulan ko rin ito pero medyo nabo-bore ako drop muna.)
5. Terra Nostra - Carlos Fuentes (Try kong simulan ngayong taon. Ewan ko kung matatapos ngayong taon.)
6. Blow-up and Other Stories - Julio Cortazar (Nabasa ko na ang ilang kuwento dito.)
7. Palm-of-the-Hand Stories - Yasunari Kawabata
8. Kuwentong Siyudad - pat. Romulo Baquiran, Alwin Aguirre, Rolando Tolentino (Try ko na ring tapusin lahat ng mga KATHA antho na may kopya ako.)
9. Sleepwalkers - Herman Broch
10. Absalom, Absalom - William Faulkner
Huwebes, Marso 26, 2009
Miyerkules, Marso 25, 2009
Muni-muni
Magpapasalamat ako kay JC Casimiro sa kanyang mga tanong habang naghihintay siyang magpa-consult kay Jethro. Nakabantay ako sa serectary's desk noon, naghahanda ng answer key nang tanungin niya ako tungkol sa mga sinulat ko, partikular na yung nalathala sa Heights. Bakit ba tungkol sa diaspora ang mga nalathala doon? Marahil naaantig ako sa karanasang iyon. Yung pagkatiwalag, lagalag. Na para bang hati ka sa tinatahanan mo ngayon sa tinahanan mo dati. Yung pakiramdam na baka may naiwan ka o may hinahanap. Gayundin, naaasar din ako sa sobra-sobrang “pagpapaganda” sa imahen ng mga OFW/OCW, at isa itong opisyal na policy ng ating gobyerno. Ayokong sabihing bayani sila dahil mga ordinaryo lamang silang mga tao. Walang dakila sa mga pamilyang nagkakahiwalay, sa mga taong kinailangang lumisan. Di ba dapat nakalulungkot ang mga paglisan, ang mga paghihiwalay? Kaya siguro napapasulat ako tungkol sa mga ganoong uri ng kuwento. Pero siyempre, ayoko ng masyadong maraming iyakan.
Paano ko ba nagagawa yung panatag na tono? Sa totoo lang, tsamba iyon. Hindi naman talaga panatag ang pagkukuwento ko. Noong nasa kolehiyo pa ako, napaka-schizo ng pagsasalaysay ko. Napansin iyon ni Sir Vim Yapan noon kung paano napakasabog ng aking mga kuwento pagdating sa tono. Nagbago iyon nang masulat ko ang “Pag-uwi”. Hindi ko alam kung paano nangyari. Marahil hindi na ako masyadong atat at nagmamadali sa gusto kong sabihin. Ilang buwan ko ding sinulat ang kuwentong iyon. At kahit papaano ay may gusot pa rin naman ang mga unang draft noon pagdating sa tono pero yun nga, mas panatag na iyon kumpara sa mga nauna kong naisulat. Gawa rin siguro ng mga klase ko sa tula kina Ma'am Beni Santos at Sir Allan Popa. Doon ko napahalagahan ang pagbigkas, iyong sandaling iyon. Mas mahalaga iyong mga ganoong sandali sa tula kumpara sa kuwento pero mahalaga pa rin.
At sa panatag na tonong iyon, paano ko ba napapanatili ang tensiyon? At hindi ko rin talaga alam. Sa mga panahong iyon, at maging hanggang ngayon, nahuhumaling akong magsulat ng kuwentong walang kuwento. Yung tipong matatagpuan sa mga kuwento sa kalipunang Pamilya ni Eli Guieb o kaya sa mga kuwento ni Hemingway. Gusto ko ring magsulat ng mga kuwentong pagtatakhan mong kuwento nga ba talaga. At ang “Pag-uwi” at “Bago at Pagkatapos Makatawag ng Long Distance” ay mga personal eksperimentasyon tungo doon. Mahirap talaga para sa akin na matagpuan ang tensiyon. Marahil nasa mismong pakukuwento ang tensiyon ng mga kuwentong iyon. At marahil naroon naman talaga tensiyon sa ilan sa mga kuwento't nobelang nabasa't binabasa ko. Isa magandang halimbawa siguro nito ay ang nobela ni Egay, ang “Walong Diwata ng Pagkahulog”. Na sa mismong pagbigkas, mayroon ka naman talagang kalagayang binabagabang, tahimik man iyon o maingay na rin sa simula pa lang.
Konektado din doon sa tono ay ang mga pagtatapos kong parang hindi pagtatapos. Napansin ni JC na may tendensiya ang mga kuwentong iyon na magtapos nang bukas. Gusto ko kasing iwan ang mambabasa ng mapag-iisipan. Ayokong gamitin ang salita kasi parang napakamistikal, pero gusto kong iwan ng misteryo ang mambabasa. At kahit papaano, tulad ng mga simula, arbitraryo ang mga pagtatapos. (Salamat, Saussure. Salamat, Genette.) Gusto kong pag-isipin ang mambabasa kung bakit doon nagtapos ang kuwento. Kung sobrang linis ng pagtatapos, wala nang dapat pag-isipan ang mambabasa. Iyon na iyon. At makakalimutan na ang kuwento. Ang pagtatapos ang “last hurrah” at nagiging napakahalaga nito lalo na sa mga kuwentong napakapanatag. At hindi naman lohika ang umiiral sa akin kapag nagtatapos ako. Mas pandama. Na sa kalagitnaan ng pagsusulat, mababanaagan ko na ang dulo at doon ko lamang masasabi na “A, iyon ang katapusan.” At iyong pakiramdam ng katapusan na iyon ang gusto kong ibahagi sa mambabasa. Na, oo tapos na kuwento. Pero bakit hanggang doon lang? May pakiramdam na tapos na pero maaari pa ring magpatuloy. Pero hanggang doon na lang talaga. At dahil pakiramdam lamang ang katapusan at hindi lohikal na katapusan, may di tugma. May puwang.
Sa huli, tinanong ni JC kung paano ko nagagawang magsulat tungkol sa mga bagay na hindi naman talaga ako pamilyar, sa mga bagay na napakalayo sa pang-araw-araw kong karanasan. Sa personal na pagtataya, mas gusto kong magkuwento tungkol sa mga bagay at taong ibang-iba sa akin. Mas komportable ako doon. Kapag lumilikha ako ng tauhan, palagi akong nagsisimula sa isang taong napakalayo sa akin. Bagaman paminsan-minsan, nagsisingit ako ng mga personal na karanasan sa kasaysayan ng isang tauhan, palagi pa rin akong nagsisimula sa kaibahan. Gayundin, naiilang akong magsimula sa sarili. Hindi ako sigurado kung fiction pa ba ang sinusulat ko o non-fiction. At nabo-bore ako sa sarili ko. Ano ba ang maikukuwento ko batay sa personal kong karanasan? Mas interesado ako sa kuwento ng iba, sa kuwento nila. Kaya mag-ingat kayo. Baka gawan ko kayo ng kuwento, hindi ninyo alam. At para sa akin, mahalaga itong pagsisimula sa iba at hindi sa sarili dahil mas napapagana ko ang aking imahenasyon. Kaya ko bang angkupin at akuin ang kuwento ng ibang tao? Mas natsa-challenge ako doon. Iyon ang sukatan, para sa akin, ng tunay na imahenasyon. Kaya siguro ang pinakaunang kuwento kong naisulat ay historikal na kuwentong nakapanahon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig at marahil kaya hanggang ngayon ay nahuhumaling ako sa historikal fiction. Pero siyempre, ako lang naman ito. Marami sa mga sanaysay na matatagpuan sa Writing to the Future: Poetika at Politika ng Malikhaing Pagsulat ay nagsisimula sa sarili. Sa akong napakalinaw. Marahil iyon ang bago kong challenge sa sarili, ang lumikha ng akdang napakapersonal. Kaya't mahirap talikuran ang nakasanayan ko nang pamamaraan na wasakin ang sarili upang makabuo ng kuwento.

Sabado, Marso 21, 2009
Wow, malapit na palang matapos ang una kong taon ng pagtuturo...
1.
Nakakapagod ang nakalipas na mga linggo. Suwerte na lang at hindi na ulit ako nagkasakit.
2.
Noong Miyerkoles nang isang linggo, ika-11 ng Marso, pumunta ako sa LS Awards for the Arts. Pinanood kong tanggapin ng mga Senior at nagtatapos na mga mag-aaral ng Ateneo at iba't ibang parangal sa iba't ibang larangan ng sining. Siyempre, nagpapaka-nostalgic din ako noong ginawaran din ako noong nagtapos ako. Pero gabi nila iyon at binabati ko sina Tian, Brandz at Angela sa pagkakaparangal sa kanila.
Tulad noong isang taon, hindi binigyan ng citation ang mga awardee. Na medyo nakapanghihinayang kasi iyon lang talaga ang sandali kung paano ipinapaliwanag ng mga hurado kung nga ba sila napili, ano nga ba ang tingin ng mga hurado sa kanila. Sa totoo lang, nakatulong ang citation ni Sir Vim sa akin dahil nagkaroon ako ng pagkakataong malaman ang isang pagtingin sa mga akda ko mula sa iba.
Isang bago sa taong ito ay ang pagpaparangal sa alumni na nakapag-ambag sa sining at panitikan. Pinarangalan sina Ricky Abad, Francis Xavier Pasion at Miguel Syjuco at binigyan sila ng pagkakataong pagsalita at magbigay ng talumpati. Hindi nakadalo si Miguel Syjuco pero nagpadala siya ng mensahe na binasa ni Sir Rofel Brion.
3.
Nito namang nakaraang Miyerkoles, ika-18 ng Marso, nagkita-kita kami nina Tonet, Aina, Carla, Paolo at Shiena sa Shangri-la Mall sa EDSA para maghapunan. Kahit na madami-dami pang trabaho ang kinailangan kong gawin at pagod na pagod ako kahit na Miyerkoles pa lamang, pumunta ako dahil matagal-tagal ko na ring hindi nakikita ang iba sa kanila, lalo na sina Aina at Carla. Nagkuwentuhan lang kami habang kumakain at pagkatapos kumain. Wala akong masyadong ikinuwento dahil pagod na pagod nga ako. At ano ba naman ang maikukuwento ko? Ang masaya kong buhay bilang guro? Tutula na lang ako, thank you very much. Kaya nakinig na lamang ako at inalam ang updates ng kanilang mga buhay.
4.
Napanood ko na sa wakas ang "Slumdog Millionaire" na hiniram ko mula kay Nikka. Maganda nga itong pelikula pero, ewan ko ba, hindi ko ito sobra-sobrang nagustuhan. Naaliw naman ako dahil sa humor nito. Pero lahat ng imaheng binuo tungkol sa India ay ang imahen ng India na alam na ng lahat: yung dumi, yung kahirapan, yung dami ng tao. At sa dulo ng lahat, kapag nanalo ka ng game show, happy ending na nga ba? Sa totoo lang, hindi naging mahalaga ang relasyon ni Jamal at Latika sa pelikula. Mas naging interesante para sa akin ang relasyon ni Jamal at ng kanyang kuya. At dahil lamang ba nakisama ang kuya ni Jamal sa mga kriminal kaya kinailangan niyang mamatay di tulad ni Jamal na naging bahagi ng malakihang global na kapital na dumadaloy sa India? May mga subtleties ang pelikula na masalimuot na nagbuo sa relasyon nilang dalawa. Hindi ko lang talaga gets kung bakit hindi kasama sa happy ending ang kanyang kuya. Ewan. Maganda siyang pelikula kung hindi mo sobrang pag-iisipan.
5.
Katatapos ko lang basahin ang "Wolf Totem" ni Jiang Rong. Ito ang pinakaunang nanalo ng Man Asia Literary Award. Ilang beses ko nang nasabi sa blog ko kung gaano ako nabagot sa pagbabasa ng nobelang ito. Hindi naman sa pangit itong nobela at walang nangyayari. Mahaba itong nobela at sinasakop nito ang ilang taon sa buhay ng pangunahing tauhang si Chen Zhen, isang mag-aaral mula Beijing, habang nasa Inner Mongolia siya at namumuhay kasama ang mga Mongol doon. Nabagot ako dahil--kahit na maraming mga kapana-panabik na mga pangyayari ang isinalaysay partikular na ang mga labanan sa pagitan ng tao at ng mga lobo--paulit-ulit ang nobela sa pagdikdik sa utak mo ang kanyang thesis statement. Malinaw itong pagpuna sa pagwasak sa mga kapatagan at pastulan ng Inner Mongolia at pati na rin sa katangian ng mga Tsino. At uulit-ulitin ito nang ilang dosenang beses sa loob ng higit limandaang pahina nito. Wala lang talagang ganoong pagtitimpi si Jiang Rong o marahil ay hindi niya pinagkakatiwalaan ang kanyang mambabasa. Kung ano man, detalyado ang kanyang paglalarawan ng buhay sa Inner Mongolia at malinaw ang tensiyong nabuo at namayani sa nagbabagong sandaling iyon sa Tsina.
Medyo kataka-taka din ang mga pangunahing tauhan dahil sa mga bookworm sila. Nakakatawa dahil ang isa sa pinakapinoproblema nila ay kung paano kakargahin ang kanilang mga libro (na nakakapuno ng isa sa dalawa nilang karitela) at kung paano nginangatngat ng mga daga ang kanilang mga libro. Kung magpapastol ako, siguro nga, magdadala at magbabasa rin ako ng libro habang nagbabantay ng mga tupa.
6.
Finals week na nga pala sa susunod na linggo. Todo na ang paghahanda ng mga grades. Kailangan ko pa nga palang bumili ng bolpen. Mauubusan na ako ng pulang tinta.

Martes, Marso 10, 2009
"Thank God I ordered the four-legged chicken."
1.
Iyon yung narining kong background dialogue habang nag-uusap sa restoran sina Laurie (Slik Spectre II) at Danny (Night Owl II). Ewan. Tumatak lang talaga ang napaka-random na pahayag na iyon sa utak ko habang pinapanood ang "Watchmen". Parang ayokong masyadong suriin ang karanasan ko sa panonood ng pelikula. Basta malinaw na pala-palaging may gap o lack akong nararamdaman habang pinapanood ko iyon. Siguro ganoon lang talaga ang pinagkaiba ng karanasan ng pagbabasa ko ng graphic novel at sa panonood ng pelikula. Magkaiba naman talaga yung dalawa. Kahit na anong gawing pagtatangka ng pelikula na manatiling matapat sa nobela, magkaiba rin lang talaga. At kahit na anong gawing pagbabago ng pelikulang baguhin ang kuwento, magkahawig pa rin sila. Kaya kahit na nag-enjoy ako, nariyan kasi ang anino ng nobela para gambalain ang karanasan ko. Aliw pa rin naman itong pelikula kahit marami sa cast ay pangit ang acting (ang mga performance lang talaga ng mga gumanap kina Moloch, Comedian at Rhorschach ang may dating). A basta.
2.
Ilang beses ko nang napanood ang "Shoot'em Up" sa HBO at naaaliw ako doon kasi 1) sobrang campy niya mahirap hindi matawa sa nonsense at makulit na kamatayan ng mga tao at 2) sa carrots. Wasak talaga ang carots. Yun lang.
3.
LS Awards for the Arts nga pala bukas. Pupunta ako para sa pagkain. At siyempre para sa mga nagwagi, lalo na kina Brandz at Tian.
4.
Lumabas na rin nga pala ang mga fellows para sa UP National Writers Workshop. Tatlo din ang Atenista, sina Kael, Ma'am Jing at Sir Vim. Good luck sa kanila.
5.
Ano ba, gusto ko nang matapos ang sem....

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)