Huwebes, Enero 17, 2008

There was a barber and his wife...

1.

Nanood ako ng "Sweeney Todd" kanina. Yup, another depressing movie. Halata ang pagiging adaptation niya mula sa stage dahil halos iisa lang tagpuan ng buong pelikula. Medyo mahirap pagminsang sundan ang mga salita ng mga tauhan kapag umaawit. Marahil dahil hindi mga propesyunal na mang-aawit sina Johnny Depp at Helena Bonham Carter. Pero nakakatuwa ang wit ng mga diyalogo't awitin. Sa totoo lang ha, napaiyak ako dito.

2.

Katatapos ko lang ng "Ang Mundo ni Andong Agimat" ni Arnold Arre. OK naman siya. Action packed. May nangyayari sa bawat pahina. Pero mas gusto ko pa rin ang "Mythology Class." Pero higit na sophisticated ang ginamit na mga technique ni Arre sa paglalahd ng kuwento kumpara sa kanyang mga naunang mga gawa. Maraming mga dream sequences at pagbabaliktanaw dito sa "Andong Agimat" kumpara sa "After Eden" at "Mythology Class". Problema lang talaga'y hindi nabuo't napalago nang mabuti ang buong mitolohiyang tinatangkang buuin sa loob ng akda. Magandang ihambing ito sa "Ang Ginto sa Makiling" ni Macario Pineda para sa kanilang muling paghaka sa alamat ni Mariang Makiling. Maganda naman ang nobela. Ang dami ringtypos.

3.

Natapos ko noong isang linggo ang "The Death of Artemio Cruz" ni Carlos Fuentes. Isa na namang depressing na akda. Nasa pamagat na ang pangako ng katapusan. Ang bawat kabanata ng nobelang ito ay nahahati sa tatlo. Ang una ay kalimitang isang pagbabaliktanaw sa isang sandali sa buhay ni Artemio Cruz, mayroong isa na sinundan ang huling mga sandali ng kanyang anak. ang ikalawa ay nakatutok sa kasalukyan niyang kalagayan, ang kanyang kamatayan. Ang pangatlo ay nakasulat sa second-person at nasa panghinaharap. Tila may tatlong personang nagkukuwento sa buhay at saloobin ni Artemio Cruz at ang bawat isa ay may panahong tinitingnan: ang nakaraan, ang kasalukuyan at ang hinaharap. Isinasadula ng nobela, sa pamamagitan ng technique, ang relasyon ng tao sa kanyang panahon. Laging nariyan ang pinanggalingan nating nakaraan, hinding-hindi natin maiiwasan ang mga problema ng kasalukuyan at lagi't lagi nating ibinabato ang ating sarili sa hinaharap.

4.

Sinimulan ko na ulit ang pagsusulat ng mga naantala kong mga kuwento noong nakaraang taon. Cathartic talaga ang pagsusulat. Hindi na ako ganoong depressed.

5.

2008 DFPP Creative Writing Workshop

The University of the Philippines' Department of Filipino and Philippine Literature (DFPP) will hold its DFPP Creative Writing Workshop on March 31-April 4, 2008 at the Soka Gakkai Center, Tagaytay City.

The workshop is open to beginning authors writing in Filipino, preferably college students. Literary forms included in the workshop are poetry, short story, children's literature, play, and creative non-fiction (short essay).

Applicants must submit five (5) copies of the hard copy 12 points, double-spaced manuscript, including its digital file. Authors may submit at least five poems, two stories (10 pages), two children's stories (5-7 pages), one one-act play, and one short essay (10 pages).

Applications forms are available at the UP Department of Filipino, College of Arts and Letters, University of the Philipines, Diliman, Quezon City. Deadline of submission is on February 15, 2008. For details, call Mr. Vlad Gonzales at 9244899 or email at dirtypopmachine@yahoo.com.


IYAS Writing Worshop

Applicants should submit original work: either 6 poems, 2 short stories, or 2 one- act plays using pseudonym, in five (5) computer-encoded hard copies of entries, font size 12, bound or fastened, in separated folders with a diskette (MSWord).

These are to be accompanied by a sealed size 10 business envelope with the author’s real name and pseudonym, a 2x2 ID photo, and a short resume, which must be mailed on or before March 14, 2008.

Entries in Cebuano, Hiligaynon, Tagalog or Filipino may be submitted. Fellowships are awarded by genre and by language.

Grant will cover board and lodging and a partial transportation subsidy.

PANELISTS

Dr. Carlo Bautista
Ms. Genevieve Asenjo
Dr. Marjorie Evasco
Prof. Danny Reyes
Dr. Elsie Coscolluela
Dr. Antonio Tan

Workshop is on April 20-26, 2008 at the Balay Kalinungan Complex, University of St. La Salle, Bacolod City.

Sponsored by: University of St. La Salle, NCCA, Benvenido N. Santos Creative Writing Center, De La Salle University, and Negrence Studies Development Center

SUBMIT YOUR APPLICATION TO:

Dr. Gloria Fuentes
Asst. Vice President for Academic Affairs Office
University of St. La Salle
La Salle Avenue, Bacolod City

For inquiries, email:
glofuentes2003@usls.edu
glofuentes2003@yahoo.com

Walang komento: