Huwebes, Enero 24, 2008
Ilang Bagay Lamang
There goes a languange.
2.
Kung hindi ito masamang araw, ewan ko lang.
3.
Telenobela talaga ang buhay pagminsan.
4.
Nagpapaka-Lacaba ang mga Burmese.
5.
Makakasama kaya ito sa frequent flyer miles?
6.
Napanood ko ito. Kinain nang buhay si Nadal.
7.
Uy, pasok sa finals si Ana Ivanovic. :D
8.
Bati-bati muna kapag dumating ang isang superstar.
Kung Nobela Ka Diyan sa Tabi-tabi...
TAPAT is a quarterly literary journal on the novel in Filipino; release of volume 1 is targeted on June 2008.
We are currently accepting submissions for the following:
1. Serial Novel. We are particularly interested with works that arguably contribute to the development of the literary novel as genre. Initial submission must be good for at least two issues; the length for each issue is from 25 to 40 manuscript pages. Submissions for subsequent issues will be arranged as soon as your initial submission has been accepted for publication. A modest amount of PhP 4,000.00 will be given for every part of the series published.
2. Essay on the Novel. The essay may be in the form of criticism or review of a novel in Filipino. You can also submit a creative process essay (if you have a published novel in Filipino), a literary biography of a novelist in Filipino, or an essay on the poetics or any aspect of the novel. The length of the essay must not exceed 50 manuscript pages. A modest amount of PhP 150.00 per manuscript page will be given for every essay published.
3. Interview. If you intend to interview a published novelist in Filipino, interview questions must be sent to us and approved prior to the interview. The submission must include the complete transcript of the interview with a brief introduction on the novelist and a few notes on the interview process. A modest amount of PhP 150.00 per manuscript page will be given for every interview published.
All submissions must be sent in .doc or .rtf format to nobelangtapat@gmail.com. If you would like your work to be considered for the maiden issue, please submit it on or before 29 February 2008. Each submission will be refereed. You must be willing to grant first publication rights to TAPAT. We will inform you of the status of your manuscript 30 to 45 days after your submission.
Huwebes, Enero 17, 2008
There was a barber and his wife...
Nanood ako ng "Sweeney Todd" kanina. Yup, another depressing movie. Halata ang pagiging adaptation niya mula sa stage dahil halos iisa lang tagpuan ng buong pelikula. Medyo mahirap pagminsang sundan ang mga salita ng mga tauhan kapag umaawit. Marahil dahil hindi mga propesyunal na mang-aawit sina Johnny Depp at Helena Bonham Carter. Pero nakakatuwa ang wit ng mga diyalogo't awitin. Sa totoo lang ha, napaiyak ako dito.
2.
Katatapos ko lang ng "Ang Mundo ni Andong Agimat" ni Arnold Arre. OK naman siya. Action packed. May nangyayari sa bawat pahina. Pero mas gusto ko pa rin ang "Mythology Class." Pero higit na sophisticated ang ginamit na mga technique ni Arre sa paglalahd ng kuwento kumpara sa kanyang mga naunang mga gawa. Maraming mga dream sequences at pagbabaliktanaw dito sa "Andong Agimat" kumpara sa "After Eden" at "Mythology Class". Problema lang talaga'y hindi nabuo't napalago nang mabuti ang buong mitolohiyang tinatangkang buuin sa loob ng akda. Magandang ihambing ito sa "Ang Ginto sa Makiling" ni Macario Pineda para sa kanilang muling paghaka sa alamat ni Mariang Makiling. Maganda naman ang nobela. Ang dami ringtypos.
3.
Natapos ko noong isang linggo ang "The Death of Artemio Cruz" ni Carlos Fuentes. Isa na namang depressing na akda. Nasa pamagat na ang pangako ng katapusan. Ang bawat kabanata ng nobelang ito ay nahahati sa tatlo. Ang una ay kalimitang isang pagbabaliktanaw sa isang sandali sa buhay ni Artemio Cruz, mayroong isa na sinundan ang huling mga sandali ng kanyang anak. ang ikalawa ay nakatutok sa kasalukyan niyang kalagayan, ang kanyang kamatayan. Ang pangatlo ay nakasulat sa second-person at nasa panghinaharap. Tila may tatlong personang nagkukuwento sa buhay at saloobin ni Artemio Cruz at ang bawat isa ay may panahong tinitingnan: ang nakaraan, ang kasalukuyan at ang hinaharap. Isinasadula ng nobela, sa pamamagitan ng technique, ang relasyon ng tao sa kanyang panahon. Laging nariyan ang pinanggalingan nating nakaraan, hinding-hindi natin maiiwasan ang mga problema ng kasalukuyan at lagi't lagi nating ibinabato ang ating sarili sa hinaharap.
4.
Sinimulan ko na ulit ang pagsusulat ng mga naantala kong mga kuwento noong nakaraang taon. Cathartic talaga ang pagsusulat. Hindi na ako ganoong depressed.
5.
2008 DFPP Creative Writing Workshop
The University of the Philippines' Department of Filipino and Philippine Literature (DFPP) will hold its DFPP Creative Writing Workshop on March 31-April 4, 2008 at the Soka Gakkai Center, Tagaytay City.
The workshop is open to beginning authors writing in Filipino, preferably college students. Literary forms included in the workshop are poetry, short story, children's literature, play, and creative non-fiction (short essay).
Applicants must submit five (5) copies of the hard copy 12 points, double-spaced manuscript, including its digital file. Authors may submit at least five poems, two stories (10 pages), two children's stories (5-7 pages), one one-act play, and one short essay (10 pages).
Applications forms are available at the UP Department of Filipino, College of Arts and Letters, University of the Philipines, Diliman, Quezon City. Deadline of submission is on February 15, 2008. For details, call Mr. Vlad Gonzales at 9244899 or email at dirtypopmachine@yahoo.com.
IYAS Writing Worshop
Applicants should submit original work: either 6 poems, 2 short stories, or 2 one- act plays using pseudonym, in five (5) computer-encoded hard copies of entries, font size 12, bound or fastened, in separated folders with a diskette (MSWord).
These are to be accompanied by a sealed size 10 business envelope with the author’s real name and pseudonym, a 2x2 ID photo, and a short resume, which must be mailed on or before March 14, 2008.
Entries in Cebuano, Hiligaynon, Tagalog or Filipino may be submitted. Fellowships are awarded by genre and by language.
Grant will cover board and lodging and a partial transportation subsidy.
PANELISTS
Dr. Carlo Bautista
Ms. Genevieve Asenjo
Dr. Marjorie Evasco
Prof. Danny Reyes
Dr. Elsie Coscolluela
Dr. Antonio Tan
Workshop is on April 20-26, 2008 at the Balay Kalinungan Complex, University of St. La Salle, Bacolod City.
Sponsored by: University of St. La Salle, NCCA, Benvenido N. Santos Creative Writing Center, De La Salle University, and Negrence Studies Development Center
SUBMIT YOUR APPLICATION TO:
Dr. Gloria Fuentes
Asst. Vice President for Academic Affairs Office
University of St. La Salle
La Salle Avenue, Bacolod City
For inquiries, email:
glofuentes2003@usls.edu
glofuentes2003@yahoo.com
Lunes, Enero 14, 2008
Shaking the World
Lumindol kagabi nang mga 8:20. Parang ang daming lindol nitong nakalipas na mga buwan.
2.
Pormal nang binuksan ang Fine Arts Fest 2008 kanina. Napadaan lang ako kanina sa opening ceremony. Naroon lang ako sa likod, nanood. Ayokong magpakilalang alumni, wala naman akong kuwentang tao e. Sa foyer ng Dela Costa ginanap ang opening. Simple lang pero may wine sila. Sosyal. At mabuti't may opening sila. Wala ang Larawan na ganoon. Bumawi na lang kami sa fireworks sa closing ceremony. Good luck sa kanila. May book launch daw sila sa Mag:net Bonifacio High St sa wednesday nang mga 8 ng gabi.
3.
Nilabas na kung sino ang nanalo sa Golden Globes. Nanalo ang "Atonement" ng best film (drama). Binabasa ko ngayon ang nobela.
Linggo, Enero 13, 2008
"For the sake of justice, healing and peace now and in the future I urge all progressive forces not to be so engrossed with the political wrongs of election tampering that they forget the crimes of hate and ethnic cleansing - crimes that have led to untimely deaths and the displacement of thousands."
I am Legend
Biyernes, Enero 11, 2008
Huwebes, Enero 10, 2008
Concentration
Sabado, Enero 05, 2008
Bago Bumalik sa Pagiging Estudyante
Nang mga nakalipas na mga gabi, napakalamig ng bugso ng hangin dito sa San Pablo. Natutulog lang kami ditong bukas ang bintana. Ganito rin kaya ang klima sa Maynila? Baka hindi.
2.
Sa nakalipas na mga araw, marathon kaming magkakapatid ng "Coffee Prince." Oo, paminsan-minsan, romantiko't sentimental din ako. Kung titingnan ang buong istruktura ng serye, pangkaraniwan siyang drama. Isang naghihirap na babae at isang mayamang lalaking magkakaibigan. May ilang mga twist kagaya ng hindi alam ni lalaki na babae pala si babae dahil tomboy na tomboy ito. Ang pinakagusto sa mga serye mula sa ibang bansa ay ang sense of humor ng mga ito. Madrama kung madrama ang "Coffee Prince." Pero pagminsan, kaya nitong pagtawanan ang sarili nito sa pagka-OA at ilang mga hirit. Interesante din para sa akin ang kapansin-pansing paggamit ng serye ng teknolohiya ng cellphone. Sa iba kasing mga serye mula Korea, hindi ko ito masyadong napapansin. Pwede ring product placement ang lahat ng ito pero halos 1/4 ng mga diyalogong nagaganap sa loob ng serye ay gamit ang cellphone at telepono. Ginagamit ito sa pakikipag-flirt at paglalabas ng mga saloobin. May isang eksena doon, pagkatapos magkabalikan ang mga bida, nang hingin ng mga katrabaho ni bidang babae ang cellphone nito. Interesante ang tila pagiging bahagi na ng identidad ang ganitong uri ng teknolohiya. Hindi kasi ako ganito sa cellphone ko.
3.
Nasira nga pala ang cellphone ko noong bago mag-Pasko. Naiwan ko kasi sa bulsa ng shorts ko at nalaba. Kakakuha ko lang ulit noong isang araw. Hindi ako yung tipo ng taong nagde-delete ng text message. Kaya medyo nalungkot ako na makitang walang laman ang aking inbox. Text niyo ako? Hahaha, ambabaw ng gago.