Sabado, Hulyo 14, 2007

Ilang Bagay Lang

1.

Nanood kami nina Aina, Paolo, Maris, Danny, at Tonet ng "Harry Potter and the Order of the Phoenix" noong Thursday sa Glorietta. Oo, medyo malayo sa Katipunan pero iyon ang pinakamalapit sa pinagtatrabahuhan ni Aina dahil nahuli siya noong gabing iyon. Nagkita kami ni Tonet sa Gateway bago dumiretso ng Glorietta. Nanood kami nang mga 730 ng gabi at natapos na ang pelikula nang mga 945. Mabuti na lang at nakahabol kami sa huling pasada ng MRT at nakarating kami sa Cubao. Sa Cubao na ako nagtaxi.

Review ng "Harry Potter..."? Ewan. Ok lang. Yun na yun. Agree naman ako sa maraming sinabi ng mga tao diyan sa Friends-List ko ng LJ.

2.

Tapos na ang deliberation para sa 13th Ateneo-Heights Writers' Workshop. (Yehey!) Kagaya noong isang taon, walo ang pinili ngayong mga fellows. Wala akong full list ng mga fellows dahil wala sa pubroom ang mga application forms. Hintayin na lang ang announcement ng Heights. Parang mas nakakapagod ang meeting noong isang linggo. Dahil siguro sobrang labo pa ng mga posibilidad na makakapili kami. Pero sa huli'y nakapili rin naman kami. Nakapili kami ng anim na makata, isang fictionst at isang fictionist/non-fictionist.

(edit)

May nadagdag na dalawang fellows. mga fictionist sa Filipino at English. Congrats ulit sa mga fellows!

3.

Happy Birthday kay Jihan!

1 komento:

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

mitch!kumusta ang eleksiyon sa grad student council? Binoto kita kahit hindi mo ako binigyan ng envelope. kapag nakuha mo na ang pork barrel mo magpainom ka ha.