Nakabili ako ng buong season 1 ng Heroes at nagustuhan ko talaga. (Alam kong medyo huli na ako sa paghanga sa seryeng ito.) Marami nang mga TV Show tungkol sa mga superhero lalo na yung mga batay sa mga comics. At malaki nga ang pagkakautang ng Heroes sa mga comics. Bagaman binabanggit sa Heroes ang labanan sa pagitan ng kabutihan at kasamaan, hindi ganoong kapayak para sa karamihan ng mga tauhan ang pagpili sa dalawa.
Ang nagustuhan ko talaga sa seryeng ito ay ang banghay. Bihirang gamitin ang mga flashforward sa kahit na ano pa mang uri ng narratibo. Hindi lamang isang simpleng paghihintay o antisipasyon sa hinaharap ang ginagawa ng naratibo ng serye. Isang malaking puwersang nagtutulak sa banghay ang mismong pagnanasang baguhin ang hinaharap.
Bagaman hindi lahat ng mga tauhan ay hindi nakatutok sa pagbabagong ito ng hinaharap dahil sa kanilang mga indibidwal na pagnanasa. Para sa akin ang indibidwalismong ito ang nagbibigay sa Heroes ng kakaibang akit para sa akin. Dahil sa mga indibidwal na mga pagnanasang ito, hindi madaling malaman kung anong sunod na mangyayari (hindi kagaya sa mga palabas dito sa Pinas). Kung hindi mo alam kung pipiliin ba ng mga tauhan ang kabutihan o kasamaan at hindi mo alam kung anong susunod na pangyayari batay lamang sa kanilang katauhan, papanoorin mo pa ba ang isang palabas? Bagaman may mga tauhang may mga mabubuting intensiyon, kagaya nina Hiro at Peter, hindi sila mga perpektong tao kaya mahirap hulaan kung anong susunod na mangyayari sa kanila. Ngunit hindi ang pagligtas sa mundo ang pangunahing preokupasyon ng karamihan sa mga tauhan, kagaya nina Niki at Noah Bennet. Ang simpleng pagnanasang iligtas ang kanilang pamilya ang kaya nilang panghawakan. Kagaya nga ng sinabi ni Charles Deveaux, sapat na ang pag-ibig, para man sa mundo o para lamang iisang kapwa.
Kaya ito, nanabik para sa susunod na season ng Heroes. At dahil sa pananabik, dumaan ako sa website ng Heroes at doon ko natagpuan na mayroon palang graphic novel o maiiksing comics doon mada-download. Pinupunuan nito ang ilang mga backstory at puwang sa loob ng serye. At dahil dial-up lang ang Internet ko, baka sa San Pablo ko na mabasa nang buo ang graphic novel. Mada-download iyon dito.
Isang pasintabi: paborito kong episode ang "Five Years Gone."
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
4 (na) komento:
WOHOO! Heroes Fans Unite! Ako rin paborito ko yung five years gone!
Anti-climactic though yung ending ryt? Sa september pa ata next season. :(
Anti-climactic yung ending? Bakit? I thought it was just fine. The three minute teaser of volume 2 kinda made me excited. :D
I mean hindi ganun ka-epic battle ni peter and sylar...unlike let's say dun sa five years gone. I guess since it was a bit hyped... some of us were expecting a bit more than that. Pero yeah yung teaser ng volume two looks nice.
Mag-post ng isang Komento