Doon ko rin nakuha ang kopya ko ng Dapitan Vol. 4 kung saan nalathala ang kuwento kong "Paglalayag Habang Naggagala ang Hilaga". Mga Mayo rin noong sinulat ko ang unang draft ng kuwentong iyan dalawang taon na ang nakakaraan. Nasa Dapitan din ang ilang tula ng mga ka-Ligang Twinkle at Sandy at kuwento ni Camille. Ang bilis ng paglipas ng panahon. Ito ang sinulat ko para sa intro ng final portfolio ko noong fourth year ako:
Naisulat ko ang kuwentong ito noong Abril-Mayo 2005. Ito ang pangalawa sa tatlong kuwentong ipinasa ko, ulit, para sa FA 106. Ito rin ang isa sa dalawang kuwentong ipinasa ko para sa Ateneo-Heights Writers’ Workshop. Ito ring kuwentong ito ang isa sa limang kuwentong bahagi ng aking panapos na kalipunan bilang isang magtatapos sa Creative Writing. Noong Oktubre ng taong 2004, nakapanood ako ng isang dokumentaryo sa Discovery Channel tungkol sa paghina ng magnetic field ng mundo. Natuwa ako sa mundong ipinakita ng dokumentaryo.Gusto ko sanang malathala ang kuwentong ito sa Heights pero hindi napagbigyan. Sana mag-enjoy ang mga Tomasinong makakabasa ng kuwento ko. Sa Martes nga pala ang launch ng Dapitan Prose at Vol. 4, Mayo 15 sa Conspiracy. Punta kayo! :D
Ngunit ramdam kong hindi pa ako handang isulat ang kuwento. Kaya noong nakaraang tag-araw ko lang naisulat ang kuwento. Maraming mga ideya mula sa ibang naudlot na mga proyekto ang nagsama-sama para sa kuwentong ito, ang ideya ng kawalan ng teknolohiya, ang karansang Diaspora ng Filipinas, at ang karanasan ng paglalakbay sa mundong walang kasiguraduhang hilaga.
Isa rin itong paglalaro sa forma ng maikling kuwento. Ginusto kong mahuli ng forma, isang naggagalang istilong kagaya ng sa isang pakikipag-usap, ang pakiramdam ng paggagala. Hindi lang sana tungkol sa paggagala ang kuwentong ito kundi ipadama rin ang mga mambabasa sa karanasan ng paggagala, at ganun din, ang karanasan ng pagkatagpo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento