Unang klase namin kanina para sa Malikhaing Pagsulat: Tula na itinuturo ngayong semestre ni Ma'am Beni. Akala ko nga wala kaming klase kanina. Wala kasi Ma'am Beni nang buong araw. Nang tanungin ko si Ate Mel, inatake na naman si Ma'am Beni ng kanyang hika. Napa-text tuloy ako sa mga tao. Yun pala, nagpapahinga lang si Ma'am Beni para mismo sa aming klase sa tula. Para sigurado, tinext ko si Ma'am. Hindi lantarang tinanong kung may klase kami o hindi. Tinanong ko lang saan gaganapin ang klase namin. Text ni Ma'am, "CTC na." Kaya doon ko nasiguro na may klase kami kanina.
Nakatutuwa rin naman nang dumating ako sa classroom, nagkita na kami ni Eric nang papaakyat na kami ng hagdan. May anim ring undergrads na nag-enrol, o gustong mag-enrol, sa klase naming iyon. Bihira lang talagang ang mga undergrad na nakuha ng klase sa malikhaiang pagsulat. Dalawa lang yung mga nakuha talaga, yung mga IS, CW, o Lit(Fil). Paunti-unti pa para sa mga klase sa Filipino kasi higit na dominante ang Ingles mga nagsusulat sa Ateneo. At puro nga IS, CW, at Lit(Fil) ang mga kaklase ko sa tula.
Medyo late nang dumating si Ma'am Beni kanina. (Hinihika nga kasi.) Dahil unang klase, ipinakita sa amin ang syllabus. Nagkulang pa nga bilang ng kopya ng syllabus kasi pito lang ang nasa listahan niya habang labing-isa kami sa klase. Ang nakatutuwa sa syllabus, apat na pahina ito. Detalyado. PAASCU season na nga talaga. Nawindang lang kami sa requirement, isang tipikal na Ma'am Beni requirement: labinlimang (15) tula. Pauwi, nag-comment na agad si Nikka. 3/4 na yun ng dami ng tulang sinulat niya para sa kanyang tesis na binuo niya ng dalawang taon. At kailangan naming makabuo ng isang koleksiyon ng labinlimang (15) tula sa pagtatapos ng semestre.
[*nag-antanda* Diyos ko, hindi ako makata, gantimpalaan ninyo po sana ako ng milagro.]
Joke lang iyang nasa bracket. Basta para kay Ma'am Beni, sino ba naman ang hindi mapapagawa ng milagro? Ma'am Beni is Love. And with love, you can do anything. Pero excited na rin akong tumula at magpakamakata. May naiisip na nga akong kabuuang tema para sa koleksiyon bagaman baka hindi ko ito magawa sa buong labinlimang (15) tula. Siguro sa walo lang. Kaya para sa Lunes, ang takdang aralin ay magdala ng tatlong tula. Ang isa ay tungkol sa C2. Oo, yung iniinom. Isang ehersisyo sa pagtulang Bagay.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
2 komento:
hahahaha! Ma'm Beni is Love. :p natawa naman ako dun. pero kung iisipin mo nga naman, kung titignan mo siya, para siyang all sugar and spice and everything nice. Hehe. Isang beses ko lang siya naging guro (Fil 14) at ang bait-bait-bait niya. Gusto ko siyang iuwi at gawing mommy o kaya bestfriend. hehehe.
Hay, nakakamiss ang school. Buti ka pa, andyan pa... at nagsusulat. Um, goodluck nga pala sa 15 tula... kaya mo yan, basta magdasal ka lang ng mataimtim. hehehehe.
ingat ka, mitch! miss you na! :D
jihan ^_^
Isa talaga siyang ina ng lahat. :D
Mag-post ng isang Komento