Miyerkules, Nobyembre 22, 2006
Masakit Nga Talaga ang Alaala
Pilit kong pinakinggan kanina ang recording ng palihan noong 6th ANWW tungkol sa kuwento ko. Pilit, dahil, hindi ako mapakali. Nakakatuwa dahil halos manhid ako noong mismong session na iyon. Ganoon naman talaga ako tuwing palihan. Desensitized, ika nga. Pero ngayon, ang hirap-hirap. Siguro nga dahil mayroon na akong alaala sa mga nangyari. Wala naman talagang panlalait na ginawa ang mga panelist sa aking kuwento. Maganda nga ang pagtanggap. Ulit, babalik ako sa alaala. Halos lahat ng mga salitang binbanggit ng mga panelists ay naging trigger para sa akin. Parang gusto kong magbigay ng komento, magsalita. Ngunit tapos na, wala na akong magagawa. Parang nalabas ang aking ginustong gawin noong palihan habang pinakikinggan ko ang record. Ang hirap talaga nang ganito.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
3 komento:
drugs tayo?
huwag na. palagi naman akong high e. :D
uy, san makakakuha ng kopya nyan? pwede bang papirata? :)
Mag-post ng isang Komento