Isa sa mga high points ko noong nakalipas na taon ang pagiging bahagi ng 11th Ateneo-Heights Writers Workshop. Marami nang nangyari mula noon hanggang ngayon, Fine Arts Festival, LS Awards, Graduation, pagkuha ng Masters. Noong nag-apply ako, inisip ko na magandang sukatan ang workshop kung may pinatutunguhan nga ako sa aking pagiging Major ng Creative Writing. (Diyos ko, kung mababasa nyo lang ang basura na sinulat ko bago ng 3rd year ko.) Inisip ko, kung makapasok, magiging masaya na ako. Syempre tuwang-tuwa ako nang makita ko ang pangalan ko sa Heights board. Dami akong natutuhan dun na mahirap lang talagang ilarawan.
Kani-kanina lang, napaka-nostalgic ako at binuklat ang workshop mats. Browse lang. Sa totoo lang, mas sarap basahin ang mga comment sa tsinuging kuwento ko kaysa sa pinaburang kuwento. Mas madaming praktikal na komento doon. At mas makakatuwa rung reaksiyon kasi hindi nila kung paano lalapitan iyon. Hindi children's lit ba iyon o pangakaraniwang kuwento. Nakakatuwa. Ganoon din, binasa ko ang mga komento ng mga panelist na mga gawa ng mga ka-fellows ko. Doon nakukuha ang ideya ng "learning form your peers". Iwasan ang kanilang pagkakamali, gayahin ang kanilang tamang ginawa.
Ngayong isang taon na ang lumipas, mayroon nga ba akong natutuhan mula sa workshop. Sigurado ngunit mahirap sukatin. Mas masinsin na ako sa aking syntax at sa first draft pa lang, pinipilit ko nang iwasan ang mga typos sa aking kuwento. (Ang dami kong typo sa mga draft na ibinigay ko sa Height. Nakakahiya.) Sa mga panahong iyon, alam ko na kung saan ko gustong ilugar ang sarili pagdating sa pagsusulat. (Sinusunod ko lang T.S. Eliot.) Sinigurado lang ng workshop kung pwede nga ako sa gusto kong paglagyan. Nakakainis nga lang at nahihirapan na akong magsulat ng kuwento. Masyado na akong nagiging pihikan. Kapag hindi ko makita ang ending, hindi ko na hinahabol ang ideya. Kung sa kalagitnaan naman ng pagsusulat ko ng kuwento ay nakitaan ko ng malaking butas ang banghay/tauhan/lohika, tinitigil ko na ang pagsusulat. (Ilalagay ko na lang sa baul ng aking "Unfinished" folder ng aking computer.)
Hindi sa mahabang weekend na ito ang 12th Workshop, sa susunod na linggo pa. Pero sana maging malaking tulong ang ang workshop sa susunod na batch.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento