Lunes, Mayo 10, 2010
Rebyu: Cosmicomics (Mag-ingat sa Spoilers)
Ngayong buwan ay Short Story Month ayon sa Emerging Writers Network. At bilang pakikibahagi ko sa pagdiriwang na ito, magbibigay ako ng rebyu ng dalawang kalipunan ng maikling kuwento: Cosmicomics ni Italo Calvino at Collected Fictions ni Jorge Luis Borges. Noon nakalipas na mga buwan ko natapos ang pagbabasa ng mga librong ito pero dalawang dahilan lang naman talaga kung bakit ngayon ko lang ginagawa itong rebyu na ito: thesis at katamaran. Pasisimulan ko rin ang serye ng mga sanaysay tungkol sa mga paborito kong mga maiikling kuwento. Hindi ko matatapos ang serye na sa buwan na Mayo pero mainam na simulan na bilang balanse sa mga rebyu na ginagawa ko sa mga nobelang binabasa ko.
Sa ngayon sisimulan ko muna sa Cosmicomics ni Italo Calvino. Binubuo ng labindalawang kuwento ang kalipunang ito at pinag-uugnay ng iisang tagapagsalaysay, si Qfwfq, isang nilalang o kamalayan na dinanas ang simula ng uniberso at nabuhay hanggang sa kasalukuyang panahon. Lahat ng mga kuwento’y nagsisimula sa isang scientific theory o fact na nagiging premise para simula ni Qfwfq ang kanyang mga kuwento. Bagaman nakaugat sa agham ang premise ng mga kuwento, may oral na katangian ang mga kuwento sa Cosmicomics. Interesante ang mga premise ng mga kuwento subalit ang boses ni Qfwfq, ang kanyang pagsasalaysay ng mga nakaraang karanasan at ang mga damdaming nakaugnay sa mga karanasang ito, ang nagdadala sa lahat ng mga kuwento. Mapapansing halos lahat ng mga kuwento ay mga kuwento ng pag-ibig. Tanging ang “A Sign in Space,” “Games Without End,” “How Much Shall We Bet?” at “The Light-years” lamang ang mga kuwento na hindi kuwento ng pag-ibig. Sa mga kuwento na ito ng pag-ibig, nagtatapos ang lahat sa pagkasawi. Maaaring maiugat ito sa mismong premise ng mga kuwento. Lahat ng mga kuwento’y nakaugat sa isang sinasabing pinagdaanang pagbabago na nangyari sa mundo at maging sa uniberso. Halimbawa’y sa kuwentong “The Distance to the Moon,” nasanay ang mga tauhan na malapit lamang ang buwan sa Earth na kayang tumalon mula sa mga bangka sa gitna ng dagat ang mga tao tungo sa buwan. Napaibig si Qfwfq kay Mrs. Vhd Vhd at nang biglang magsimulang lumayo ang buwan sa Earth. Sa pagkakataong iyon, tinangka ni Qfwfq na makasama nang matagal si Mrs. Vhd Vhd subalit malinaw na hindi siya iniibig nito at nakaranas si Qfwfq ng matinding lungkot at pangungulila nang bumalik na siya sa mundo at iwan sa si Mrs. Vhd Vhd sa buwan.
Sa kabilang dako naman, paglalaro sa lawak ng mga scientific at mathematical premise ang nabanggit ko nang mga kuwentong hindi kuwento ng pag-ibig. Halimbawa nito’y sa kuwentong “The Light-years.” Minamasid ng tagapagsalaysay ang langit gamit ang kanyang teleskopya at nakita niya sa isa sa mga bituin ang isang plaka na nagsasabing “I SAW YOU.” Nabagabag ang tagapagsalaysay at ayon sa batas ng limitasyon ng paglalakbay ng liwanag ayon na rin kay Einstein, nakalkula ng tagapagsalaysay ang haba ng taon paroon at pabalik (na umaabot ng 200 milyong liwanag-taon) at inisip niya ang kung ano ang ginawa niya noong sandaling iyon. Sa kahabaan ng pakikipag-usap niya sa unang nagpaskil ng plaka na iyon, nagsulputan ang ibang plaka mula sa ibang mga bituin at mga galaxy tungkol sa kanyang ginawa. At dahil sa kanyang pagiging self-conscious sa mga plakang ito, tinangka niyang itama ang unang pagkakakilala ng mga tao sa kanyang ginawa pero nahihirapan na siya dahil unti-unting lumalayo ang mga bituin at galaxy sa bilis ng liwanag at dumating ang pagkakataon na hindi na niya kayang makipag-usap sa taong iyong unang nagpaskil ng “I SAW YOU.” At habambuhay na niyang dadalhin ang panghihinayang at pagkahiya ng isang sandaling nagawa milyon-milyong taon na ang nakararaan.
Ulit, bagaman may katangian ng pantasya at agham ang mga kuwentong ito, nakaugat pa rin sa payak at madaling maunawaang mga damdamin ang mga kuwento. Hiya. Lungkot. Pag-ibig. Inggit. At iba pa. At ito ang kapangyarihan ng kabuuang koleksiyon, ang bigyan ng pagkatao ang mga konseptong hindi natin binibigyang halaga. Gamit ng mga kuwentong ito, iniaangat ni Calvino ang mga konseptong pang-agham sa wika at kabuluhang lampas sa siyentipiko nitong katangian tungo sa antas ng talinghaga na may ipinakikita sa ating pagkatao.
Miyerkules, Mayo 05, 2010
Mga Patalastas Pampanitikan para sa Hunyo
- Bukas ang HEIGHTS’ KUWENTONG PAMBATA sa lahat ng mag-aaral, guro at alumni ng Pamantasang Ateneo de Manila bagamat hindi maaaring sumali ang sinumang hurado at kasapi ng lupon ng pagpili ng Heights.
- Maaaring kahit anong paksa ang piyesang hindi lalagpas sa 500 salita, sa wikang Filipino man o Ingles, subalit dapat angkop ito para sa antas ng pagbasa ng mga mag-aaral ng elementary edad 7-12.
- Maaaring Rich Text Format (.rtf) or in a Microsoft Word Document (.doc) ang ipapasa, laktawan sa 8.5” x 11” bond paper, na may isang pulgadang palugit. Maaaring gamiting font ang Arial sukat 11, Times New Roman sukat 12, o Calibri sukat 12.
- Sa isang hiwalay na dokumento isasama ang mga sumusunod: ang pangalan, sagisag-panulat, larawan (mainam kung 1×1 o 2×2), at 2-5 pangungusap ukol sa may-akda; at ang synopsis ng kuwento na hindi lalagpas sa 100 salita.
- Ilakip ang dalawang dokumento sa ipapadalang e-mail sa heights.filipino@gmail.com na may paksang pamagat: KUWENTONG PAMBATA bago o sa mismong araw ng Hunyo 7, 2010.
- Nangangahulugang hindi tagumpay sa pagpapasa ang anumang kakulangan sa hinihinging impormasyon at hindi maisasalang sa deliberasyon ang piyesa.
- Magtatanghal ang lupon ng pagpili at ang mga hurado ng isang (1) mananalong piyesa upang mailathala bilang KUWENTONG PAMBATA 2010.
***
CALL FOR ENTRIES FOR CCP ANI 36 JOURNAL
The Literary Arts Division of the Cultural Center of the Philippines is accepting contributions to its ANI 36 journal. The year’s volume focuses on the theme “Disaster and Survival”.
Works accepted are poems, short stories and essays in Filipino, English or any Philippine language with translation (or gist for prose) in Filipino or English.
The first decade of the 21st century brought record-breaking disasters such as typhoons, floods and landslides that tested the resiliency, resourcefulness and spiritual strength of the Filipinos and changed the history of the nation. This year’s best literary works reflective of the lessons learned from such events will be put together in ANI 36.
Submissions must be typewritten or computer-encoded in Arial 12 points, double-spaced on short bond paper (8.5” x 11”), accompanied by a sheet containing the author’s five-sentence biographical note, contact numbers and address, and tax identification number (TIN) for payment purposes.
Contributions must be submitted by email (aniyearbook@yahoo.com)as an MSWord attachment in rich text format (.rtf) addressed to The Editor, ANI 36, Literary Arts Division, Cultural Center of the Philippines, Roxas Boulevard, Pasay City 1300. Deadline for submission is June 30.
(For verification, please contact Mr. Hermie Beltran, tel. no. 832-1125 local 1706, 1707.)
mula dito ang anunsiyo.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)