Sabado, Pebrero 28, 2009

Ambush

1.

Kahapon ay araw ng mga ambush. Paakyat ng overpass, nagulat na lamang ako't mayroong isang kamerang nakatutok sa aking mukha at bigla na lamang akong tinanong ng isang reporter ng GMA7 tungkol sa nangyaring pagkamatay ng isang grade schooler. Mabilis lang ang ambush interview na iyon, wala pa sigurong tatlong minuto. Pero nagulat na lang ako kinagabihan nang tawagan ako ni Mama at magtext ang ilang tao na ayun, lumabas ang pagmumukha sa 24 Oras at kanina naman sa QTV. Medyo weird ang pakiramdam ng pagiging bahagi ng balita gayong sobrang tangential lang talaga ang relasyon ko sa tunay na mga pangyayari.

2.

Kahapon din, pauwi naman, bigla na lang may nagtanong sa akin na isang lalaki palabas ng elevator. Pareho ang floor na binabaan namin at nakita niya ang dala-dala kong bound copy ng NCCA report ng ANWW at nagtanong siya tungkol doon, kung kailan ba ang deadline at iba pang mga detalye. Dahil atat na akong makauwi, malabo ang mga sagot ko sa kanya.

3.

Opisyal na. Ayon sa PAGASA, tag-init na. Gayundin, nagbabadya na namang muli ang sunog sa Australia (bagaman hindi na ganoong kalala).

4.

At sakto naman, nakatapos ako ng kuwento tungkol sa mga sunog at init.

5.

Sa Kagawaran, thesis season ngayon. Marami ang nakasalang na mag-proposal defence o kaya't mag-thesis defence. At medyo kinakabahan ako dito dahil, kung pumasa ako sa compre, iyon na ang huling nibel para matapos ko ang aking MA.

6. links

Pagbabasa bilang parusa/sintensiya.

Bukas na naman po ang Palanca Awards para sa taong 2009. At may bago silang kategorya para sa tulang pambata.

7.

Can't wait for the semester to end.

Walang komento: