Sabado, Pebrero 28, 2009

Ambush

1.

Kahapon ay araw ng mga ambush. Paakyat ng overpass, nagulat na lamang ako't mayroong isang kamerang nakatutok sa aking mukha at bigla na lamang akong tinanong ng isang reporter ng GMA7 tungkol sa nangyaring pagkamatay ng isang grade schooler. Mabilis lang ang ambush interview na iyon, wala pa sigurong tatlong minuto. Pero nagulat na lang ako kinagabihan nang tawagan ako ni Mama at magtext ang ilang tao na ayun, lumabas ang pagmumukha sa 24 Oras at kanina naman sa QTV. Medyo weird ang pakiramdam ng pagiging bahagi ng balita gayong sobrang tangential lang talaga ang relasyon ko sa tunay na mga pangyayari.

2.

Kahapon din, pauwi naman, bigla na lang may nagtanong sa akin na isang lalaki palabas ng elevator. Pareho ang floor na binabaan namin at nakita niya ang dala-dala kong bound copy ng NCCA report ng ANWW at nagtanong siya tungkol doon, kung kailan ba ang deadline at iba pang mga detalye. Dahil atat na akong makauwi, malabo ang mga sagot ko sa kanya.

3.

Opisyal na. Ayon sa PAGASA, tag-init na. Gayundin, nagbabadya na namang muli ang sunog sa Australia (bagaman hindi na ganoong kalala).

4.

At sakto naman, nakatapos ako ng kuwento tungkol sa mga sunog at init.

5.

Sa Kagawaran, thesis season ngayon. Marami ang nakasalang na mag-proposal defence o kaya't mag-thesis defence. At medyo kinakabahan ako dito dahil, kung pumasa ako sa compre, iyon na ang huling nibel para matapos ko ang aking MA.

6. links

Pagbabasa bilang parusa/sintensiya.

Bukas na naman po ang Palanca Awards para sa taong 2009. At may bago silang kategorya para sa tulang pambata.

7.

Can't wait for the semester to end.

Lunes, Pebrero 23, 2009

Bali-balita lang

1.

Pumasa si Mae, kapatid ko, sa Nursing Board Exam. Oo, masaya ang buong pamilya. Ang tanong ngayon, what's next for her? Ilang linggo na siyang nakatambay lang sa bahay. Panahon na para magdesisyon kung ano nga ba ang gagawin.

2.

Mukhang mae-extend ang pagsa-sub ko kay Ma'am Vicky. March 6 pa niya malalaman kung pwede na siyang magbiyahe. Wala namang problema sa akin. Experince din ito (at pera). At alam ko na rin pala kung ano ang pakiramdam ng isang overload na guro. Just need to work harder.

3.

Suportahan n'yo nga pala ang ginagawang pelikula ni Sir Vim Yapan para sa Cinemalaya, na ang Ingles na pamagat ay "The Rapture of Fe". Naghahanap sila ng donasyon dito sa kanilang website. Kahit na kaunti lang na tulong, makakatulong sa kanilang pagtatapos ng pelikula. Nagsisimula na silang mag-film (may mga kuwento na nga si Sir Je na bahagi ng cast) pero kakailanganin pa rin nila ang kaunting tulong.

4.

May lecture din nga pala si Sir Egay Samar sa Feb. 28, 2009 sa Ortigas Foundation Library. Heto ang mga detalye.

Pinoypoets, in partnership with the Ortigas Foundation, presents "Niloloob ng Nobela ang Tula: O ang Makata bilang Nobelista," a lecture by award-winning poet and novelist Edgar C. Samar on February 28, 2009, 2PM at the Ortigas Foundation Library. The lecture will center on the particulars of and the relations between the novel and poetry.

This is the first of a five-lecture series for Pinoypoets' 5th anniversary, and will be a part of the month-long anniversary celebration of the Ortigas Foundation. This event is free and open to the public. For further inquiries, contact mail@pinoypoets.com, or contact Rhodge at 09238096002, or Xam at 09166390640/09297853276.


5.

Bumili nga pala ako kahapon ng kopya ng "Brothers" ni Yu Hua. Makapal iyon (at nagtataka ako kung bakit ang kakapal ng mga nobelang lumalabas mula Tsina). Nabasa ko na ang unang kabanata at tawa ako nang tawa. Ma-sustain kaya nito ang aking atensiyon kumpara sa "Wolf Totem"? Tingnan na lang natin.

Linggo, Pebrero 15, 2009

Exhaust

1.

I feel totally exhausted. Pero meron pang isa't kalahating buwan. Kaya 'to, kaya 'to.

2.

Pumunta ako sa Taboan Philippine Writers Festival nitong Huwebes at Biyernes. Pumunta ako sa pagitan at pagkatapos ng pagsa-sub sa mga klase ni Ma'am Vicky noong Huwebes. Sa Ateneo naman kasi ginanap iyon noong Huwebes kaya wala masyadong problema. Pumunta ako sa tribute noong umaga habang napuntahan ko naman ang "Literature in Action" na discussion session. Punong-puno ang venue ng "Literature in Action". Nasa isang tabi ako ng conference room, nakatayo sa likod ng nagugulong na divider kaya literal na nakinig lamang ako sa kalahati ng diskusyon. Maganda ang talakayan lalo na nang kumanta at tumula si Sir Mike na ang buong punto niya'y pagpapakita ng katangian ng oral tradition. Karamihan ng mga nasa panel ay mga mandudula kaya karamihan ng mga tinalakay nila ay tungkol sa kung paano nagiging pagtatanghal ang isang teksto. Naroon din si Servando Halili na nag-lecture tungkol sa racism na makikita sa mga awit, tula at cartoons na lumabas sa Amerika noong panahon ng Digmaang Filipino-Amerikano. (Nakita ko nga rin pala si Rica Peralejo sa mga nakikinig. La lang.)

Noong Biyernes, binigyan ko ng writing break ang mga estudyante ko kaya nakapunta ako noong hapon sa Cubao X kung saan naman ginanap ang mga session noong araw na iyon. Nakikain ako nang kaunti (ano pa ba?) noong mga araw na iyon. Sakto lang ang dating ko dahil kasisimula lang ng "Fictional Showdown". Nakita ko doon sina Ma'am Jema at Pam pero sinamahan ko sina Margie at En sa pakikinig. Dinala ko ang recorder ko pero hindi ko pa tinitingnan kung maganda ba ang kalidad ng rekord ng session. Medyo mahaba ang naging takbo ng session at ang init ng venue kaya hindi ko na masyadong maalala kung ano ang sinasabi. ipopost ko na lang siguro sa susunod recording. Basta, muntikan nang maglabasan ng ice pick. Patapos na nang dumating sina Carlo at Ida at sabay-sabay kaming pumunta sa "All About My Other" na isang nosebleed, schizo na diskusyon tungkol sa konsepto ng "Other". Mga makata talaga. Humabol naman si Charles at nag-crash kami't nakikain sa pagtatapos ng Taboan. Hindi ko na hinintay ang Poetry Reading dahil kailangan kong magpahinga at maghanda para sa compre.

3.

Ayos lang ang compre kahapon. Mas kampante ako dito kaysa sa unang bahagi. Basta. Hintayin ko na lang grade.

4.

Isang dahilan talaga kung bakit ako pagod na pagod, nagtapos ako ng isang kuwento. Ilang buwan ko rin itong inupuan. Patigil-tigil din kasi ako dito kaya parang tinapos ko na lang ito para lang matapos na. Iyon.

5.

May isa pa akong tinatapos na kuwento na ibibigay ko sana dito:

Book Project: Kathang-isip: Mga Kwentong Fantastiko

Editors: Rolando B. Tolentino and Rommel Rodriguez

Mga Kasamang Manunulat,

Nais namin kayong imbitahan na mag-ambag ng isang kwentong fantastiko na tumatalakay sa mga kontemporaryong isyung panlipunang umiinog sa ating bansa.

Ang kwentong fantastiko ay mga maiikling kwentong tumatalakay gamit ang mga elemento ng kontemporaryong panahon, fantasya o kathang-isip, at fantastikong kabig (twist) sa ending. Dahil sa maigting na ugnay ng sining at lipunan sa ating bansa, nais langkapan ng elemento ng politikal (komentaryong panlipunan at transformatibong pangangailangan) ang kwentong fantastiko.

Layunin ng koleksyong ito na maitanghal ang mapagpalayang diskursong politikal ng kontemporaryong panahon sa pamamagitan ng eksplorasyon ng fantastikong pagkatha. Sa pamamagitan ng koleksyon na ito, inaasahan ang mga kontributor na magsiwalat ng mga partikular na usaping maaaring maging paraan sa higit na pag-unawa ng ating kasalukuyang lipunan, lalong higit, ang pagkritika sa mga pangyayaring politikal na humuhubog sa ating kamalayan bilang mga indibiduwal, alagad ng sining, mamamayan at iba pa. Dito rin titingnan ang maigting na ugnayan ng konsepto ng fantasya at realidad na kung tutuusi'y mayaman na materyal sa pagkatha ng maikling kwento.

Narito ang inisyal na balangkas o gabay sa pagkatha ng kwentong fantastiko:

  1. Kontemporaryong panahon: napapanahon at kasalukuyan
  2. Fantasyang tagpo: paglikha ng fantasmagorikong tao, nilalang, sitwasyong halaw sa kathang-isip, di pa sa tradisyon at science fiction
  3. Fantastikong kabig: twist na magaganap sa huling bahagi ng kwento
  4. Politikal na tema: maaaring direktang politikal ang katha o kaya'y matukoy ang politikal sa pamamagitan ng paggamit ng mga simbolo at iba pang literary technique
  5. Lima hanggang walong pahina lamang, 12 Times New Roman font, double spaced
  6. Isang kwento kada manunulat lamang

Dagdag na referensya rin ang mga kwentong matatagpuan sa mga antolohiya:

1. Wolfgang Hildesheimer A World Ends*

2. Deogracias Rosario Kung Ipaghiganti ang Puso*

3. Jorge Luis Borges August 25, 1983 (Black Water: The Anthology of Fantastic Literature)

4. Horacio Quiroga The Feather Pillow (Black Water: The Anthology of Fantastic Literature)

5. Virgilio Pinera Meat (The Oxford Book of Latin American Short Stories)

Narito ang ating skedyul:

  1. Enero 9, 2009-Call for contribution
  2. Pebrero 28, 2009-submission of stories
  3. Marso 2009-Editing at paggawa ng introduksyon
  4. Abril 2009-pagsusumite sa press

Ipadala ang inyong kontribusyon sa tatlong sumusunod na email address:

kathaisip @gmail.com

magpaubaya@yahoo.com

rommelrdrgz@gmail.com

Kung mayroon kayong mga katanungan, huwag mag-atubiling ipaalam ito sa amin.

6.

Bukas na nga pala ang Dumaguete Workshop. At mukhang dalawang linggo lang sila ngayong taon imbes na tatlo.

CALL FOR APPLICATIONS TO THE DUMAGUETE NATIONAL WRITERS WORKSHOP

The Dumaguete National Writers Workshop is now accepting applications for the 48th National Writers' Workshop to be held May 4-15, 2009 in Dumaguete City.

This Writers Workshop is offering fifteen fellowships to promising young writers who would like a chance to hone their craft and refine their style. Fellows will be provided housing, a modest stipend, and a subsidy to partially defray costs of their transportation.

To be considered, applicants should submit manuscripts in English on or before March 27, 2009 (seven to ten poems; or three to five short stories; or three to five creative non-fiction essays). Manuscripts should be submitted in hard copy and on CD, preferably in MS Word, together with a resume, a recommendation letter from a literature professor or a writer of national standing, a certification that the works are original, and two 2X2 ID pictures.

Send all applications or requests for information to Department of English and Literature, attention Prof. A.G. Soluta, Chair, Silliman University, 6200 Dumaguete City.

7.

Nga pala, bili kayo ng bagong isyu ng Story Philippines. Naroon ang mga kuwento ng mga ka-Mahalay na Margie de Leon at Maddy Ong at ni Camsy Ocumen na dating fellow ng Ateneo National Writers Workshop.

8.

Valentine's? Ano yun? :D