1.
Happy New Year sa inyong lahat.
2.
Nagsimula ang klase para sa taong 2009 noong Enero 7. Nagkasakit naman ako noong Enero 8. Ika nga nila, epic fail. Napansin kong kumati ang lalamunan ko noong Lunes. Lumala na at naging ubo at sipon. At nang gumising ako noong Martes, sinabi ko sa sarili ko, "hindi ko kayang magturo." Nag-iwan na lang ako mng takdang-aralin sa mga klase ko noon. Alas dos na ata nang nagkalakas akong bumangon, kumaim at bumili ng gamot. Noong Miyerkules, nakayanan ko namang magturo.
3.
Namatay na ang monitor ng aking computer. Isang taon na rin atang naghihingalo ang monitor na iyon. Isa iyong tube na monitor. Hindi ko na talaga kayang buksan. At nagkiklik pang parang bomba. Kaya kanina e bumili kami ni Dad ng bagong monitor. Isang 19" na Benq LCD. Sa wakas, maayos na ang panonood ko ng...um...DVD.
4.
Tapos ko na ang pagtse-check ng mga personal na sanaysay ng mga klase ko. Kulang-kulang 160 iyon. (Kaya ako nagkasakit? Joke.) Pero may ilang papel, lalo na sa mga klaseng hinalinhinan ko kay Sir Marx ang hindi ko pa nabibigyan ng grado. Kapag naayos ko na iyon, pwede ko nang ibigay ang mga iyon kay Sir Marx.
5.
Bumalik na nga pala si Sir Marx Lopez. Nito pang Disyembre pero nag-aayos pa siya ng mga gamit. Noong Biyernes nga e hindi pa lubusang naaayos ang kanyang opisina. Nakausap ko na siya tungkol sa nangyari nitong nakalipas na mga buwan. Update ko na rin siya tungkol sa ilan pang bagay na nakaligtaan kong sabihin sa kanya.
6.
Ngayong dalawa na lamang ang klase ko hanggang sa katapusan ng semestre, maaari ko nang tutukan ang aking comprehensive exam sa darating na Pebrero 7 at 14. Okey lang iyan. Wala naman akong love life. Ganoon din, sana makapagsulat na ulit ako. Mas excited talaga ako para sa aking thesis kaysa sa ano mang bagay.
7.
Pero marami pa ring kailangang gawin. Mga bagong gawain na ibinibay sa akin. Okey lang. Pera din iyon.
8.
Itinuro ko sa mga MWF na klase ko ang "Sining ng Nagsisikip na Dingding" ni Rodolfo Paras-Perez at namalayan kong may hilig pa rin ako sa visual arts kahit papaano. Akala ko nakalimutan ko na ang lahat ng iyon.
9.
Mahirap tantsahin kung kailangan nga ba talaga lalabas sa mga bookstore ang "Walong Diwata ng Pagkahulog" ni Edgar Samar. Pero sigurado (sigurado na nga ba?) na may booklaunch ito sa Enero 27, sa Soc Sci Conference Rooms 1&2 sa Ateneo.
10.
Alam mong nasa matinding krisis ang mundo kapag:
a. Tumalon sa harap ng humaharurot na tren ang isang bilyonaryo.
b. Humihingi ng tulong ang porn industry ng Amerika.
c. Nangangagat na ang mga panda.
11. Iba pang links
Obama, lalabas sa "Amazing Spider-man".
Mga lamok, nanghaharana!
Arkibo ng mga nasulat ni Hemingway na nasa Cuba, dini-digitize.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento