1.
Natapos kong basahin nag "after the quake" ni Haruki Murakami. May koneksiyon, kalimitan ay bahagya, ang lahat ng anim na kuwento sa kalipunan sa nangyaring lindol sa Kobe. Tila walang nangyayari sa bawat kuwento ngunit ganoon naman palagi ang mga maiikling kuwento ni Murakami. May mga tauhang nahaharap sa kawalan, tulad sa mga kuwentong "UFO in Kushiro" at "Landscape with Flatiron". May mga tauhan namang may nakaraang tila aninong nagbabadya sa kanilang kasalukuyan, tulad sa mga kuwentong "All God's Children Can Dance" at "Thailand". Mayroon namang nasa bingit ng pagbabago, tulad sa mga kuwentong "Super-Frog Saves Tokyo" at "Honeypie". Tangential kalimitan ang relasyon ng Kobe sa buhay ng mga tauhan ngunit tila, sa isang espiritwal na antas, nararamdaman ng mga tauhang ito ang lindol doon.
2.
Malapit na ang comprehensive exams. Medyo nagpa-panic na ako.
3.
Dumalo ako kanina sa kasal ni Kuya Allan de Vera at ng kanyang bagong asawang si Aileen. Ginanap ang kasal sa Our Lady of Abandoned Church sa Marikina. (Feeling parang dapat may 'the' diyan.) Nakisabay ako sa sasakyan ni Ecar papunta doon. Mga kasama ko sa kotse sina Egay Samar, Kristine Romero at Sir Marx Lopez, na ninong sa kasal. Sina Ma'am Beni Santos, Sir Je Respeto, Sir Mike Coroza, Ma'am Coralu Santos at Ate Mel Estrelles ang iba pang mga ninong at ninang galing sa Kagawaran. Maaga kaming pumunta dahil pinasabi na alas-tres daw dapat naroon na ang mga ninong. Saktong alas-tres kami dumating ngunit nang makarating kami roon, may isa pang kasal ang nagaganap noon. Isang oras ang hinintay namin bago matapos ang naunang kasal. Nang umalis na ang ikinakasal na iyon nang mamalayan naming mga matatanda na ang ito at ipinagdiriwang nila ang kanilang 50th Anniversary.
Alas-kuwatro na nang magsimula ang misa at alas-singko y medya na nang matapos ito. Sa dulo, biglaan akong binigyan ng wedding planner ng tubo na nagpapasabog ng confetti. Si Egay dapat ang kasama ko pero tinakasan niya ako at si Aris na lang ang nagpaputok noong isa pang tubo ng confetti. Nakakatawa rin ang nangyari sa dulo nang pakawalan nina Aileen at Allan ang mga kalapati. Diretsong lumipad iyong isang kalapati kay Ecar.
Sa isang hall na pagmamay-ari ng caterer ginanap ang reception. Nagkaroon muna ng sayaw ang mga kasal at ang mga magulang bago nagkaroon ng picture taking ang mga tao. Pagkatapos ng picture-taking, diretso sa buffet ang mga tao. Masarap ang pagkain. Kumuha ulit ako noong masarap na isda. Hindi ko alam kung anong isda iyon o paano niluto (mukhang prinirito lang sa butter sa mababang init). Basta masarap.
Maraming mga activities na ginawa. Mayroong basagan ng itlog gamit ang talong. Kakaiba naman ang kanilang ginawa sa pagpili ng kung sino ang maglalagay ng garter at sino ang makakukuha ng mga bulaklak ng bride. Para sa mga lalaki, nagbunutan ng mga bulaklak. Kasama ako sa mga bumunot pero sinuwerteng hindi mapili. Isang officemate ni Aileen ang napili, si Eric. Para naman sa mga babae, nagkaroon sila ng modified trip to Jerusalem. Ipinaupo si eric at nilagyan ng saging sa pagitan ng hita. Unahan ang mga babae. Ang makakakuha sa saging ang matatanggal. Lalagyan ng garter ang matitira. Tatlong saging ata ang nalapirot.
Laugh-trip ang buong reception dahil kina Jethro at Ariel, ang mga MC ng gabi.
4.
Pagkauwi ko nga pala, biglang dumugo ang ilong ko. (Yeah, I know.)
5.
Sa nakalipas na mga linggo, inappoint ni Pangulong GMA ang sarili niya bilang Anti-drugs Czar at Anti-global warming Czar. Uhm, right.
6. links
1000 nobelang dapat mong basahin bago ka mamatay ayon sa The Guardian
Isang feature article tungkol kay Yu Hua at ang bago niyang nobelang short-listed para sa Man Asia Literary Award.
Mga tunay na Robocop!
Kung akala mong sapat na ang baka at baboy, mukhang masarap din ang mga palaka.
Hindi simpleng mga insekto ang mga dung beetle.
Chemical warfare, Ancient Persian style.
Huwag magtaka kung maging viral video ang Santo Papa.
Sabado, Enero 24, 2009
Huwebes, Enero 15, 2009
Plug
1. Ang Unang Baboy sa Langit
Mula sa Multiply ni Ma'am Christine Bellen:
Mula sa aklat-pambata ni Rene Villanueva, isinulat ko bilang isang full length play na mausical. Inihahandog ng Ateneo ENTABLADO. 7pm ang weekdays show at tuwing sabado ay 3pm. P250 ang ticket sa RMT Ateneo. Nuod kayo!
2. 9th IYAS Creative Writing Workshop

Linggo, Enero 11, 2009
Happy New Year?
1.
Happy New Year sa inyong lahat.
2.
Nagsimula ang klase para sa taong 2009 noong Enero 7. Nagkasakit naman ako noong Enero 8. Ika nga nila, epic fail. Napansin kong kumati ang lalamunan ko noong Lunes. Lumala na at naging ubo at sipon. At nang gumising ako noong Martes, sinabi ko sa sarili ko, "hindi ko kayang magturo." Nag-iwan na lang ako mng takdang-aralin sa mga klase ko noon. Alas dos na ata nang nagkalakas akong bumangon, kumaim at bumili ng gamot. Noong Miyerkules, nakayanan ko namang magturo.
3.
Namatay na ang monitor ng aking computer. Isang taon na rin atang naghihingalo ang monitor na iyon. Isa iyong tube na monitor. Hindi ko na talaga kayang buksan. At nagkiklik pang parang bomba. Kaya kanina e bumili kami ni Dad ng bagong monitor. Isang 19" na Benq LCD. Sa wakas, maayos na ang panonood ko ng...um...DVD.
4.
Tapos ko na ang pagtse-check ng mga personal na sanaysay ng mga klase ko. Kulang-kulang 160 iyon. (Kaya ako nagkasakit? Joke.) Pero may ilang papel, lalo na sa mga klaseng hinalinhinan ko kay Sir Marx ang hindi ko pa nabibigyan ng grado. Kapag naayos ko na iyon, pwede ko nang ibigay ang mga iyon kay Sir Marx.
5.
Bumalik na nga pala si Sir Marx Lopez. Nito pang Disyembre pero nag-aayos pa siya ng mga gamit. Noong Biyernes nga e hindi pa lubusang naaayos ang kanyang opisina. Nakausap ko na siya tungkol sa nangyari nitong nakalipas na mga buwan. Update ko na rin siya tungkol sa ilan pang bagay na nakaligtaan kong sabihin sa kanya.
6.
Ngayong dalawa na lamang ang klase ko hanggang sa katapusan ng semestre, maaari ko nang tutukan ang aking comprehensive exam sa darating na Pebrero 7 at 14. Okey lang iyan. Wala naman akong love life. Ganoon din, sana makapagsulat na ulit ako. Mas excited talaga ako para sa aking thesis kaysa sa ano mang bagay.
7.
Pero marami pa ring kailangang gawin. Mga bagong gawain na ibinibay sa akin. Okey lang. Pera din iyon.
8.
Itinuro ko sa mga MWF na klase ko ang "Sining ng Nagsisikip na Dingding" ni Rodolfo Paras-Perez at namalayan kong may hilig pa rin ako sa visual arts kahit papaano. Akala ko nakalimutan ko na ang lahat ng iyon.
9.
Mahirap tantsahin kung kailangan nga ba talaga lalabas sa mga bookstore ang "Walong Diwata ng Pagkahulog" ni Edgar Samar. Pero sigurado (sigurado na nga ba?) na may booklaunch ito sa Enero 27, sa Soc Sci Conference Rooms 1&2 sa Ateneo.
10.
Alam mong nasa matinding krisis ang mundo kapag:
a. Tumalon sa harap ng humaharurot na tren ang isang bilyonaryo.
b. Humihingi ng tulong ang porn industry ng Amerika.
c. Nangangagat na ang mga panda.
11. Iba pang links
Obama, lalabas sa "Amazing Spider-man".
Mga lamok, nanghaharana!
Arkibo ng mga nasulat ni Hemingway na nasa Cuba, dini-digitize.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)