Huwebes, Hunyo 28, 2007

Nominasyon/Reading List/Panaginip 3

1.

Nagkaroon ng meeting kanina ang Orgcom, kaming mga Grad Students na pinili upang pasimulan ang isang Grad Student Council. OK naman ang meeting. Pinag-usapan namin ang mga paghahandang kailangang gawin para sa napipintong eleksiyon para sa interim government. Namomroblema lang kami sa mga kakandidato. Kaya nang matapos ang meeting, nailagay ang pangalan ng ilan sa amin, kasama na ang akin, sa mga nominado para sa President, Vice-President, Secretary General at Finance Officer. Pipili lang ng apat na pangalan ang boboto. Ang Top 4 ang magiging officer. Sa totoo lang, ayokong maging kandidato. Pero dahil estudyante lang ako at wala ibang ginagawang trabaho mahirap ang tumanggi at magdahilan. Sana walang bumoto sa akin.

2.

Nag-text at nag-e-mail ang substitute teacher namin sa Development of Fiction, wala pa kasi si Sir DM Reyes, upang ibalitang hindi na tuloy ang mga reporting ng mga grupo. Natuwa naman ako dahil ngayong sabado ang reporting ng grupo ko. Nagmeeting na kami noong Martes pero upang ayusin lang ang delegasyon ng mga trabaho. Kaya ito, kailangan ko na lang gawin ang assignment paper at binabasa ang librong pinili para sa Final Reporting, "The Brothers Karamazov." Maliban dito, required din ang klase na basahin ang "Don Quixote," "Madam Bovary," at "One Hundred Years of Solitude." Nasimulan ko na ang "Don Quixote" pero medyo nakakabagot siya dahil wala naman talagang itong banghay na nakasanayan natin sa panahong ito. Sinimulan ko na muna ang "The Brothers Karamazov" at isusunod ko ang "Madam Bovary" at baka basahin kong muli ang "One Hundred Years of Solitude" kung hindi ko pa rin trip basahin ang "Don Quixote."

3.

Kanina ay nanaginip ako habang umiidlip noong hapon. Nakakatakot ang panaginip. Hindi dahil nakakatakot ang laman nito bagaman tungkol sa mga maligno ang panaginip. Nakakatakot dahil sa linaw at kaayusan nito. Parang hindi panaginip. Marahil magulo pa rin para sa isang panaginip ngunit mayroon itong sinasabing kuwento. Parang nanonood ako ng pelikula pero bahagi rin ako ng kuwento. (Puwede ba iyon?) Ganito ang daloy ng panaginip:

Isang grupo ng mga magkakaibigan ang nagkita-kita sa isang kainan. (Hindi ko kilala ang mga taong ito. Nakapagtataka kung mapapanaginipan mo ang mga taong hindi mo kilala, di ba?) Naghahanda sila para sa isang paglalakbay, isang bakasyon. Hinihintay nilang makumpleto ang kanilang grupo. Ang isa sa kanila, isang babae, ay umorder ng isang baso ng juice. Habang naghihintay, tinitigan niya ang mga yelong nalutang sa juice at may masasaging alaala ang pagtitig na ito. Ang alaala: sa isang damuhang pampang, marahil isang tabing-log o tabing lawa (hindi ako sigurado), nagsisisigaw ang babae. Natatakot siya at nag-iiyak. Yun pala'y nalulunod ang kanyang kaibigan, isa ring babae, nakasalamin. Nakasalamin ang nalulunod na kaibigan at ang mga salaming itong nalubog ang huling nakita ng babae. Naalala ito ng babae dahil sa mga yelong nalutang sa baso ng juice. Mawawala siya sa alaalang ito sa pagdating ng hinihintay nilang kasamahan. At sa kanilang pagdating nagsimula ang kanilang pagbiyahe.

Tatalon ang panaginip sa isang silid. Gabi na at tila nagpapahinga sila mula sa isang mahabang pagbiyahe. Mayroon impresyon na isa iyong silid sa isang lumang bahay. Nagkukuwentuhan sila nang biglang sapian ang isa sa kanila. Ngunit imbes na tipikal na nangyayari sa mga sinasapian, yung tipong sa "Exorcist," biglang tumayo ang nasapian at nagsalita sa isang malalim na boses. Na mayroon parating na panganib at naroon siya upang tulungan sila. Pinasara niya ang lahat ng mga bintana at pinalayo mula sa mga ito. Ilang saglit lang dumating ang isang aswang at nakapasok ito ng silid. Nagkaroon ng isang malaking away sa pagitan ng aswang at ng sinapian. Natalo ng sinapian ang aswang. Kung bakit siya naroon ay dahil pinadala siya upang protektahan ang mga magkakaibigan. Kung bakit, hindi ko na alam. Matatanong din kung anong kinalaman ng namatay na kaibigan sa mga nangyayaring kababalaghan. Malinaw lamang na mayroon sila kailangang gawin upang itama ang lahat.

Nakakatuwang panaginip. Gusto hanapin ang katapusan at gawing tunay na pelikula.

Miyerkules, Hunyo 20, 2007

"Save the cheerleader, save the world"

Nakabili ako ng buong season 1 ng Heroes at nagustuhan ko talaga. (Alam kong medyo huli na ako sa paghanga sa seryeng ito.) Marami nang mga TV Show tungkol sa mga superhero lalo na yung mga batay sa mga comics. At malaki nga ang pagkakautang ng Heroes sa mga comics. Bagaman binabanggit sa Heroes ang labanan sa pagitan ng kabutihan at kasamaan, hindi ganoong kapayak para sa karamihan ng mga tauhan ang pagpili sa dalawa.

Ang nagustuhan ko talaga sa seryeng ito ay ang banghay. Bihirang gamitin ang mga flashforward sa kahit na ano pa mang uri ng narratibo. Hindi lamang isang simpleng paghihintay o antisipasyon sa hinaharap ang ginagawa ng naratibo ng serye. Isang malaking puwersang nagtutulak sa banghay ang mismong pagnanasang baguhin ang hinaharap.

Bagaman hindi lahat ng mga tauhan ay hindi nakatutok sa pagbabagong ito ng hinaharap dahil sa kanilang mga indibidwal na pagnanasa. Para sa akin ang indibidwalismong ito ang nagbibigay sa Heroes ng kakaibang akit para sa akin. Dahil sa mga indibidwal na mga pagnanasang ito, hindi madaling malaman kung anong sunod na mangyayari (hindi kagaya sa mga palabas dito sa Pinas). Kung hindi mo alam kung pipiliin ba ng mga tauhan ang kabutihan o kasamaan at hindi mo alam kung anong susunod na pangyayari batay lamang sa kanilang katauhan, papanoorin mo pa ba ang isang palabas? Bagaman may mga tauhang may mga mabubuting intensiyon, kagaya nina Hiro at Peter, hindi sila mga perpektong tao kaya mahirap hulaan kung anong susunod na mangyayari sa kanila. Ngunit hindi ang pagligtas sa mundo ang pangunahing preokupasyon ng karamihan sa mga tauhan, kagaya nina Niki at Noah Bennet. Ang simpleng pagnanasang iligtas ang kanilang pamilya ang kaya nilang panghawakan. Kagaya nga ng sinabi ni Charles Deveaux, sapat na ang pag-ibig, para man sa mundo o para lamang iisang kapwa.

Kaya ito, nanabik para sa susunod na season ng Heroes. At dahil sa pananabik, dumaan ako sa website ng Heroes at doon ko natagpuan na mayroon palang graphic novel o maiiksing comics doon mada-download. Pinupunuan nito ang ilang mga backstory at puwang sa loob ng serye. At dahil dial-up lang ang Internet ko, baka sa San Pablo ko na mabasa nang buo ang graphic novel. Mada-download iyon dito.

Isang pasintabi: paborito kong episode ang "Five Years Gone."

Sabado, Hunyo 16, 2007

Noong Nakaraang Linggo...



Gino, Aina and Lourdes checking out the Salamin book



Carla, Krisette, Lourdes at ako



Me, Carla, Aina and Paolo playing the Gamecube



Paolo, Danny, Chris and Gino eating spagetti



Paolo lovingly hugging a jar of M&M's, Mara, Aina, Loudes, Carla, and Me seating. I don't look too happy. Inabala ako sa pagkain ko ng ice cream! :D

mga larawan ay galing sa Multiply ni Tonet.

Biyernes, Hunyo 08, 2007

Lock and Load

Nag-enrol na ako kanina. Kung hindi lang mabilis ang buong proseso, marahil na-heat stroke na ako. Ang init talaga kanina. Kagaya ng sinabi ko nauna kong post, yung Fil 221.2 lang talaga ang buo ang loob kong kunin. Naging curious ako sa "Technical Filipino in Media" ngunit naisip kong baka sobrang antithetical ang pagkuha ko ng isang technical course at isang creative writing course. Kaya kinuha ko na lang ang bilang elective ang Lit 251: The Development of Fiction na ituturo ni G. D.M. Reyes. Dahil fiction na rin nga naman ang genre ko, todohin ko na, di ba?

Sana matuloy yung balita sa akin ni Kael na posibleng raket. Dahil wala nang slot para sa graduate assistant, dulot ng budget cut sa Kagawaran (boo to budget cuts), wala akong magiging suweldo ngayong taon. Kaya magandang balita nga iyon.

Happy birthday nga pala kay Cerz!

Miyerkules, Hunyo 06, 2007

Dapat noon pa ito kaya maghahabol lang ako (isang photo post)

1.



Heto sina Tetel at Marol na naka-beauty queen pose pagkatapos ng sagala ng Flores de Mayo noong nakaraang Mayo 26. Inulan ang sagala kaya nabasa akong habang nagpi-picture sa kanila.

2.



Sina Marol at Mama pagkatapos ng sagala sa Santa Elena noong Mayo 29. Makitid lamang na kalye ang dinaanan ng sagala kaya nakakatakot sundan ang prusisyon. Naggitgitan ang mga kotse sa isa lamang linya ng kalye. Nagloko pa ang mga ilaw. Pero ok lang. Mas nahirapan si Marol noong Mayo 26 dahil naka-high heels siya at hapit na hapit ang kanyang damit.

3.



Aina, Mara, Carla, ako, Rajiv at Paolo pagkatapos kumain sa Wendy's.



Danny, Chris, Gino at ako sa foodcourt ng SM Megamall

Nagkita-kita kami sa Megamall noong nakaraang Sabado. Nag-bowling at nag-arcade. Ewan ko ba. Parang karamihan ng mga ginagawa namin kapag nagkikita kami ng mga kaibigan mula high school ay magpagka-nostalgia.

Lunes, Hunyo 04, 2007

7th Ateneo National Writer's Workshop

Call for submissions for the 7th Ateneo National Writer’s Workshop

The Ateneo Institute of Literary Arts and Practices (AILAP) is now accepting applications for the 7th Ateneo National Writer’s Workshop to be held on October 22-27, 2007.

Each applicant should submit a portfolio of any of the following works: five poems, three short stories, or two one-act plays, written in Filipino or English, with a title page bearing the author’s pseudonym and a table of contents.

The portfolio must also be accompanied by a diskette/CD containing a file of the documents saved in Rich Text Format.

All submissions should include a sealed envelope containing the author’s name, address, contact numbers, and a one-page resume including a literary curriculum vitae with a 1x1 ID picture.

Twelve (12) fellows will be chosen from all over the country. Food and lodging accomodations will be provided.

Please address entries to:
Marco A.V. Lopez, Acting Director,
AILAP, c/o Filipino Department,
Horacio dela Costa Hall, Loyola Schools,
Ateneo de Manila University, Loyola Heights, Quezon City.

Deadline of submissions is on August 3, 2007.

For inquiries, please contact workshop coordinators Ms. Bong Oris and Mr. Yol Jamendang at 426-6001 local 5320-22. You may also e-mail Mr. Lopez at mvlopez@ateneo. edu.