Martes, Oktubre 31, 2006

Ang Pagbabalik

Kararating ko lang sa San Pablo. Sinundo ako sa Katipunan bago pumuntang Makati para magpaayos ng laptop. Tinotopak ang baterya ng laptop ko habang palaging bumabagal ang laptop ng kapatid ko. Iniwan muna namin bago balikan. Para na rin malaman kung ano nga ba talaga ang problema ng mga iyon.

Pagkatapos noon, sinundo naming dalawa ni Mae si Tetel, kapatid kong nag-aaral sa La Salle. Kumain muna kami ni Mae ng tanghalian tapos sumunod si Tetel. Hindi ko alam kung paano nangyari kasi nauna na ako papuntang kotse pero nadapa si Tetel. Ang weird lang talaga'y ang arte-arte niya sa pag-iyak. Parang hindi pa nadarapa. Hay naku. Iyan kaya ang epekto ng La Salle sa kanya? Joke lang. Maarte na naman yun noon pa.

Iba talaga kapag narito sa bahay, sobrang tamlay ko agad. Mapupunta na naman sa "Bahala na" ang pagsusulat kong yan. Bahala na.

Comment and I'll give you a letter; then you have to list 10 things you love that begin with that letter. After, post this in your journal, and give out some letters of your own.

(Kae gave me the letter R)

1. Akala ko isang magaling na manunulat lamang si Mang Jun Cruz Reyes. Pagkatapos ng workshop, isa na siyang tunay na idol!
2. Now that the sem is over, so are required readings. Back to leisurely reading for me. (On my top 3 list: The Tin Drum by Gunter Grass, The Silent Cry by Kenzaburo Oe, and If On A Winter's Night A Traveller by Italo Calvino)
3. Rice is important. Yup. Very.
4. I wish I have a robot.
5. Hindi ko talaga alam kung bakit gustong-gusto ko ang Red Hot Chili Peppers.
6. I like red. I wear red t-shirts if I want to catch people's attention.
7. Rome: Total War is addictive. Too bad I don't play much videogames lately. I read too much. Kaya OK lang.
8. Another fave author, Salman Rushdie. (The Moor's Last Sigh is No. 5 in my list after Hardboiled Wonderland and the End of the World.)
9. I love my room.
10. I'm actually quite excited once registration week comes. (OK medyo pilit na. :D)

Linggo, Oktubre 29, 2006

Workshop Sniffles

Pagkatapos ng isang linggo ng matinding katayan, kasiyahan, at puyatan, tinamaan ako ngayon ng sipon. Inaasahan ko na rin naman iyon. Lalong-lalo nga't matindi rin ang puyatan doon dahil sa kuwentuhan.

Sa susunod na lang ako magpo-post nang detalyado. Pero kagaya nga ng sinabi ko pagtatapos kahapon, napakasayang maging bahagi ng isang national workshop lalo na't dahil nakasama ko ang iba't ibang mga bata't baguhang manunulat mula sa iba't ibang mga unibersidad. Nakatutuwang malaman na bahagi ako ng isang bagay na higit na malaki kaysa sa akin.

Bagaman kating-kati na akong magsulat, hindi pa makapagpatuloy dahil nga sa sipon ko. Hindi ko gustong magsulat habang may sakit. Hindi kasi ako komportable at ayokong magsulat habang di komportable. Hindi masayang magsulat habang pasinghot-singhot, inuuhog at naluluha. Mabuti na rin iyon. Mapag-iisapan ko nang mabuti ang kung ano man ang dumating sa aking kokote. Kagaya ng ginagawa ko palagi. Isip-isip lang bago magsusulat.

Gusto ko na nga ring simulan ang pagrerepaso sa mga ipinasa kong kuwento para sa workshop, maliban na lang siguro sa kuwentong kinatay noong Huwebes. Higit na matinding repaso at research ang kailangan kong gawin para doon. Pero, kagaya nga ng sinabi ko, paggaling ko na lang mula sa sipon ko. Pahinga na lang muna.

Linggo, Oktubre 22, 2006

After the Quake, Before the Torture

Pagkatapos ng mga sunod-sunod na mga lindol, pakiramdam kong parang ako'y naging si Pedro Orce ng "The Stone Raft." Parang palaging nanginginig ang lupa. Ewan ko ba. Baka napapraning lang ako.

Anyway, pi-print ko lang itong final paper ko para sa klase ni Ma'am Beni at diretso na akong Ateneo para workshop. Hayan na! Katayan na!

Sabado, Oktubre 14, 2006

Archival

Pumunta akong Rizal lib kanina. Isang pasada sa pagsasaliksik para sa long test ni Ma'am Beni. Nagka-info-overload ako kaya naroon lang ako nang mga apat na oras. Hindi naman sa wala akong nakuha sa aking pagpunta, naramihan lang ako. Kinailangan ko lang umalis doon para sa isang mas pamilyar na lugar para linawin ang isip ko.

Inaasahan ko talagang matapos agad ang mga final requirements ko sa loob ng susunod na linggo para wala na akong poproblemahin habang o pagkatapos ng workshop. Kailangan ko lang sigurong ayusin nang mabuti ang aking pagsusulat sa susunod na mga araw. Kailangang mag-concentrate at hindi masyadong magliwaliw ang aking utak.

Huwebes, Oktubre 12, 2006

Nobel Prize atbp

Orhan Pamuk wins Nobel Prize for Literature 2006.

Interesado na talaga ako ngayong basahin ang kanyang mga nobela. :D

***

Kanina nga pala ang huling klase namin para sa Nobelang Filipino. Masaya dahil, una, ang dami kong natutuhan at, pangalawa, tapos na rin. Ang dami talagang binabasa. May take home exam pa kami pero bukas pa makukuha ang mga tanong kaya bukas ko na rin iuuwi ang aking mga nobela. Kaya ayan, apat na lang ang kailangan kong gawing mga requirements, itong take home ni Sir Vim, ang long test at final paper para sa klase ni Ma'am Beni, at ang mock-semi-partial-pseudo-thesis proposal para sa klase ni Sir Jerry. At pagkatapos nito...

WORKSHOP NA! :D

Martes, Oktubre 10, 2006

Isang Nakatutuwa Araw

Nakatutuwa naman ang araw ko ngayon. Una, nakuha ko na ang workshop manuscript. Excited na akong magbasa pero hindi na muna. (Browse-browse na lang. Ay, tempting talaga.) Pangalawa, ngayon ang huling klase namin sa ilalim ni Sir Jerry at kumain kami sa Mang Jimmy's. Unang beses ko iyon kumain sa Mang Jimmy's. Nakatutuwang makinig sa mga "gurong" magkuwento. Naaaninag ko na ang katapusan ng sem. Sana dumating na nga.

Biyernes, Oktubre 06, 2006

Dahil Cute ang mga Listahan

Kahit na isang linggo ko nang alam, hindi pa rin ako makapaniwala na bahagi ako ng 6th ANWW. Galing kina Sir Yol at Sir Egay.

6th Ateneo National Writers Workshop Fellows

Tula:
1. Rhea Claire E. Madarang
2. Erica Clariz C. De Los Reyes
3. Hanna E. Zuela

Poetry:
1. Xenia-Chloe Villanueva
2. Leonides C. Katigbak II
3. Alessandra Rose F. Miguel

Maikling Kuwento:
1. Catherine Sanchez Bucu
2. April Camille Banzon y Kayanan
3. Christoffer Cerda

Fiction:
1. Lui Jude B. Roldan
2. Ilia Eirene O. Uy
3. Marguerite De Leon

One-Act Play:
1. Debbie Ann Tan
2. Alfredo B. Diaz

At dahil patapos na ang semestre, maganda ring isulat ko ang mga kailangan kong tapusin bilang paalala.

-huling maikling papel para kay Ma'am Beni
-huling pagsusulit para kay Ma'am Beni
-huling mahabang papel para kay Ma'am Beni
-ang semi-partial-pseudo-thesis proposal para kay Sir Jerry
-maikling pagbubuod ng "Pagkamulat ni Magdalena" para kay Sir Vim
-huling pagsusulit para kay Sir Vim

yun lang. :D

Lunes, Oktubre 02, 2006

Sayang ang panggatong...

Nakakatuwa ang klase kanina. Kalagitnaan ng game 3 ang klase namin kay Ma'am Beni. Naiwan naming tatlo nina Nante't Nikka na nangunguna ang Ateneo sa halftime. Nakakatuwang marinig ang mga hiyawan at tilihan sa labas ng klase. Pinipilit naming maging mataimtim ang pagkaklase namin. Ngunit hindi namin maiwasang hindi tumigil at buntung-hininga. At mga 6:00 tumahimik ang lahat, ang mga sigawan at tilihan at naging malinaw na natalo ang Ateneo. At ilang sandali, bumuhos ang ulan at kumidlat ang lahat. Walang kinalaman ang isang bagyo sa isang simpleng laro ng basketball. Ngunit kailangan nating lahat ng objective correlative sa ating nararamdaman. Sa huli, isang laro lamang iyon. Ngunit iba't iba tayong pinanghahawakan, ako ang mga salita, sila ang bola.

Linggo, Oktubre 01, 2006

Slow Weekend

Wala akong masyadong natapos kahapon. May papel para sa Fil 201 at 200 na kailangang gawin ngunit wala pang kalahating pahina ang nasusulat ko para sa dalawa. Ewan ko kung bakit ang tamlay ko kahapon. Lalong pang nagpatamlay ang pagkatalo ng Ateneo. Hay.

Ngunit magandang balita: nakapasok ako sa 6th Ateneo National Writers Workshop. Medyo gumanda-ganda ang pakiramdam ko nang malaman ko ito. At ngayong alam kong kasama sina Twinx at Margie, mukhang magiging masaya ang workshop. Hindi na ako makapaghintay. Pero dapat. May dalawa pang papel na kailangang tapusin.