Wala naman talagang mahalagang nangyayari sa buhay, sa totoo lang. Pumunta ako sa book launch ng "Pag-aabang sa Kundiman" ni Sir Egay. Pero hindi ko gabi iyon, kay Sir. Naroon lang ako dun sa may likod, nakikinig sa mga pagbasa. Hindi ko pa nga pala napapa-sign ang kopya ko. Sa susunod na lang siguro.
Noon namang nakalipas na Sabado, kinuha ko ang entrance test para sa Graduate School ng Ateneo. Ok lang yung test. Naasar ako sa Math, kayang-kaya pero ang bagal ko. Ganun rin naman yung nangyari sa entrance ko ng ACET, nakakatuwa.
Kaya sa darating na Lunes, dadaan ulit ako sa Fil Dept. para sa kausapin si Sir Vim. Parang interview pero kilala na naman niya. Ano kayang pag-uusapan namin? Siguro kung anong gagawin ko habang nasa M.A. Makapagsulat kaya ng nobela? Meron na akong naiisip na kuwento (actually, dalawa). Bahala na, ika nga ng mga Pinoy.
Sa Lunes rin simula na ng pasukan ni Tetel, kapatid ko at pangatlo sa aming apat. BS Bio siya sa La Salle. Nakakatuwa nga naman ang tadhana, ano?
Huwebes, Mayo 18, 2006
Biyernes, Mayo 05, 2006
Application at Advance Birthday
Ayan, nakapag-apply na ako para sa M.A. Lit. Fil. kanina. Sa 13 ang entrance exam kaya hindi ako makakapunta sa planong beach ng Tropang Ruby. Salamat kina Sir Mike, Sir Egay, at Sir Vim sa kanilang mga recommendation. Plano kong dumating sa Biyernes sa susunod ng linggo para hindi sobrang stressed kung manggagaling pa ako ng San Pablo. Kaya posibleng makapunta ako sa book launch ni Sir Egay. (Kailangan ko na lang malaman kung paano makapunta sa Conspiracy. :D)
Pagkatapos ng application, sinundo ako't kapatid kong si Mae. Birthday ni Mae bukas, magdidese-otso ang kapatid ko. Pauwi, hindi namin alam na may hinahanda pala ang pamilya at ang mga kaibigan ni Mae para sa isang surprise birthday party. Pagdating namin, mukhang wala namang kakaiba hanggang sinabi ni Mama sa akin na may surpresa na inihahanda sa bahay. Inilabas agad ang mga mesa't pagkain sa garahe pagkatapos na pagkatapos na umakyat si Mae. Sinundo naman ni Tetel ang mga kabarkada ni Mae dito sa San Pablo at bumili ng ilang mga bagay. Nang handa na ang lahat, tinawag si Mae at sabay-sabay ang lahat na sumigaw ng "Happy Birthday". Mayroon pang cake at piano music. Tuwang-tuwa naman ang kapatid ko. Sabi niya, may kutob na siya na may inihahanda. Pero kitang-kita sa kanyang reaksiyon na hindi pa rin siya handa sa ginawa para sa kanya.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)