Lunes, Marso 29, 2004

Munting Kaganapan

Graduation kahapon ng kapatid ko! Yehey! As usual, si Kuya (ako) ang kumuha ng mga litrato at video. Nagsimula siya ng mga alas dos ng hapon. Ang tagal ng graduation. Inabot ng mga alas syete ng gabi. Mabuti na lang ay nakasama ko sina Aina, Lea at Archie, mga dati kong kaklase mula high school. Nagkakuwentuhan kami tungkol sa mga nangyari ng nakalipas na taon at mga plano pa nila sa darating na bakas. Sa totoo lang ay hindi sila magbabakasyon ng matagal kasi magsa-summer classes sila. Mga mahilig mag-aral!

Ngayong araw na ito ay puro katamaran. Natulog lang ako ng tulog. Ang sarap. Lalo akong tataba.

Sabado, Marso 27, 2004

Muling Pagbabalik 2

Nagsimba ako ngayon kasama ng pamilya ko. Wala si Dad kaya ng trike kami papuntang simbahan at ako ay umangkas sa likod ng motor. Ang tagal ko na kasing hindi nakakaangkas sa trike.

Pagkatapos sumimba ay kumain kami sa labas tapos ay nagpagupit ako. Yung karaniwang gupit na gusto ng mga magulang ko. Yung maikli. Wala lang. Gusto ko na rin namang magpagupit pero ayoko ng sobrang ikli.

Graduation bukas ng kapatid kong si Mae!

Muling Pagbabalik

Kababalik ko lang sa San Pablo. I'm back baby. Anyway, umalis ako kanina mula sa Katipunan ng mga alas onse ng umaga. Pero bago noon ay dumating si Ate Lisa, tita ko, at si Ate Dianne, pinsan ko, sa condo kasi may kukunin mula kay Mang Francis, yung sumundo sa akin. Habang hinihintay na makarating si Mang Francis ay kumain muna kami sa Jolibee (ako ang nagbayad). Pagkadating ni Mang Francis ng mga 10:30 ay agad ko nang inimis ang mga gamit ko. Tapos noon ay umalis na kami.

Ang una kong nakita pagkadating ko ay sina Mae at Tetel. At aba, may piercing sa dila si Mae! (!!!!!!!!!) Weird. At kadiri. Pinapatanggal ko nga eh. Hay naku...

Biyernes, Marso 26, 2004

Trip

Naging masaya ang araw ngayon. Pumunta ako kasama ng mga blockmate at dating blockmates sa Megamall. Nag-ice skating sina Kim, Darls, Edlyn, Cerz, Hanniel, at Jace habang ako at sina Jay, Billy at Chino ay nag-arcade at naggala habang hinihintay ang ibang matapos mag-ice skating. Pagkatapos noon ay nanood kami ng pelikula. Pinanood nina Jace at Hanniel ang "Butterfly Effect" habang pinanood ko kasama ng iba ang "50 First Dates." Maganda ang "50 First Dates." Ang gaslaw ni Rob Schneider. Nakakabaliw ang kuwento. Tapos noon ay naggala-gala pa uli ng kaunti.

Bago nga pala kami nanood ay nasalubong namin si Moji, isa pang dating blockmate. Wala lang. Hindi inaasahan.

noon lumabas ako para bumili ng hapunan, may nadaanan akong nag-aaway na mag-asawa ata, hindi ako sigurado. Mukhang may nagawa o nasabing mali ang lalaki. "Bigyan mo ako ng consideration. Ako ang nagbabantay ng anak [natin]!" sigaw ng babae. Pinipilit magsalita ng lalaki pero nauunahan siya at hindi siya makapagsalita. Hindi ko na pinansin ng matagal ang kanilang away. Nakakahiya at nagpatuloy na lamang ako. Kakaiba talagang magalit ang mga babae. Wala masabi ang lalaki. Kaya siguro nambubugbog ang mga lalaki kasi matatanga lang sila kapag nanatiling nagsasalita ang mga babae.

Huwebes, Marso 25, 2004

Finals

Mainit ang araw na ito. Parang hindi na sariwa ang hangin.

Naging maganda ang pagsusulit sa ECON102. Madali-dali siya. Sa totoo lang ay hindi ako masyadong nag-aaral pero ok lang.

Walang masyadong nangyari kanina. Ginawa ko ang portfolio tapos kinuha ang exam. Iyon lang.

Dapat ay Nag-aaral

Nasa comp lab ako! Tagal nang hindi nakakapunta dito.

Kakaktapos ko lang ng Portfolio ko. Ang saya. Ang brutal. Sana mataas-taas naman ang ibigay ni Sir Brion sa akin.

Malapit na ang ECO102 Finals ko. Hindi pa ako masyadong nag-aaral. Wala lang.

Sige mag-aaral na ako. Dalawang oras na lang.

Miyerkules, Marso 24, 2004

Finals Week

It is Finals Week! Horray! Not because I like tests but because the sem would soon be over. Joy! Anyway, I still have a paper to do and a portfolio to edit. The French finals was pretty easy. Well, not easy but short. Today, would be fun (its 2 in the morning). I have two tests! Joy! Two birds in one day. And I have not studied yet. Oh well. I am incoherent.

Martes, Marso 16, 2004

Duda at Asa

Malapit na. Matatapos na. Kaunti na lang. Kailangang magpursige. Kailangang manatiling naglalakad patungo sa paroroonan.

Sabado, Marso 13, 2004

Busy...

I have been so busy this week, and the past weeks also. Hopefully, the end is near and things would all ease up until the next semester. I just wish I can hang on for a while.