Paano nagala ang hilaga? Kumuha lang ng kompas. Hindi na mahalaga kung saan nakatingin. Nakaturo ang karayom sa silangan. Bigla, gagalaw ito at tuturo sa timog. At pagkatapos ng ilang sandali, gagalaw uli ang karayom at tuturo sa hilagang-kanluran. At pagkatapos noon, iikot ang karayom ng walang tigil. Iikot lang nang iikot. Walang kuwentang kompas.
Linggo, Enero 13, 2008
I am Legend
Tried to cheer myself up today by watching "I am Legend". Um, may mali di ba? Oo nga pala, depressing na pelikula ang "I am Legend". But what the heck. Ok lang naman ang "I am Legend". Sabi nga ni Jessica Zafra, flat siya. Nakukulangan ako ng tensiyon sa pagitan ng mga halimaw na tao at sa tauhan ni Will Smith. Pero maganda ang acting niya dito bilang isang taong matagal nang hindi nakakasamuha sa ibang mga tao't punong-puno ng kalungkutan. Hindi ko lang dama ang kanyang takot.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento