Paano nagala ang hilaga? Kumuha lang ng kompas. Hindi na mahalaga kung saan nakatingin. Nakaturo ang karayom sa silangan. Bigla, gagalaw ito at tuturo sa timog. At pagkatapos ng ilang sandali, gagalaw uli ang karayom at tuturo sa hilagang-kanluran. At pagkatapos noon, iikot ang karayom ng walang tigil. Iikot lang nang iikot. Walang kuwentang kompas.
Sabado, Agosto 27, 2005
Matahimik na Pagbabalik
Umuwi muna ako ng San Pablo kahapon para magpalipas ng Sabado't Linggo rito. Ngayon ko lang talaga nabigyang halaga ang katahimikan ng lugar na ito. Wala talaga akong marinig na ingay maliban na lang sa iilang napapadaan trike dito. Hindi kagaya sa Metro Manila, ang ingay-ingay. Rinig na Rinig ko ang mga ginagawang pagpapa-ayos sa mga kalye. Rinig na rinig ang mga naghaharutang mga kotse sa kalye, lalong-lalo na yung mga minodify para sa karerahan. Rinig na rinig ko ang mga busina sa labas ng condominium. E nasa ika-17 palapag na ako nun. Kaya siguro ako inaantok, tahi-tahimik kasi.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento