Paano nagala ang hilaga? Kumuha lang ng kompas. Hindi na mahalaga kung saan nakatingin. Nakaturo ang karayom sa silangan. Bigla, gagalaw ito at tuturo sa timog. At pagkatapos ng ilang sandali, gagalaw uli ang karayom at tuturo sa hilagang-kanluran. At pagkatapos noon, iikot ang karayom ng walang tigil. Iikot lang nang iikot. Walang kuwentang kompas.
Martes, Hunyo 22, 2004
Wala pa ring Drama
Wala pa rin si Ginoong Jovino Miroy para sa Drama Seminar. Nagpapahanap pa rin ng libro para sa Playwriting. Ang problema kasi, mahirap makahanap ng libro. Kaya ayon, maaga akong nakapunta sa Klase ni Fr. Arcilla. Tuloy-tuloy pa rin ang kanyang pagtuturo. Pinagmamalaki nga ang kanyang libro, na karaniwang ginagamit ng buong history department para sa kurso. Wala lang. Nakakatuwa.
di ko na binili ung libro niya...baka next time bilhin ko :P bahala na. ginagamit ko ung outline nung libro niya sa website ng history 165 :P -- Edlyn
TumugonBurahin