Paano nagala ang hilaga? Kumuha lang ng kompas. Hindi na mahalaga kung saan nakatingin. Nakaturo ang karayom sa silangan. Bigla, gagalaw ito at tuturo sa timog. At pagkatapos ng ilang sandali, gagalaw uli ang karayom at tuturo sa hilagang-kanluran. At pagkatapos noon, iikot ang karayom ng walang tigil. Iikot lang nang iikot. Walang kuwentang kompas.
Sabado, Pebrero 28, 2004
Ano nga ba?
Umaaraw ngunit umuulan. Malamig ang hangin ngunit pinagpapawisan ako. Ganito na ba ang panahon ngayon? Halos wala nang iisang bagay ang nangyayari. Maraming nagkakasabay kahit na hindi hindi dapat sila magkasabay-sabay. Para akong lumalangoy habang tumatakbo. Basa. Pagod. Hindi makahinga. Pinipilit na lamang makarating sa paroroonan dahil umaasa ako na babalik ako sa tahimik, payapa, at pantay na mundo walang tambalan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento