Paano nagala ang hilaga? Kumuha lang ng kompas. Hindi na mahalaga kung saan nakatingin. Nakaturo ang karayom sa silangan. Bigla, gagalaw ito at tuturo sa timog. At pagkatapos ng ilang sandali, gagalaw uli ang karayom at tuturo sa hilagang-kanluran. At pagkatapos noon, iikot ang karayom ng walang tigil. Iikot lang nang iikot. Walang kuwentang kompas.
Biyernes, Agosto 10, 2012
Kung Ano ang Sinasabi ng "Bourne Legacy" tungkol sa Maynila at Pilipinas
(Mag-ingat sa mga spoiler)
1) Sa Maynila ina-outsource hindi lamang ang mga call centers kundi pati ang mga mahahalaga at inililihim na mga eksperimentong pantao ng Amerika.
2) Kung dayuhan kang puti, sa looban magtago. Kasi nga, hindi ka out of place doon.
3) Matatag ang mga barungbarong, puwedeng mag-parkour sa bubong.
4) Kung tatakbo ka sa gitna ng Maynila, asahang maraming titingin at tatanaw sa iyo.
5) Hitech ang PNP.
6) Malutong magmura ang mga Pinoy.
7) Motorsiklo at scooter talaga ang tamang paraan para makaiwas sa trapik, mga humahabol na pulis, at humahabol na assassin.
8) Magkatabi lang ang Malabon at Marikina.