tag:blogger.com,1999:blog-6512494.post7133469637218354200..comments2023-11-24T06:51:32.743+08:00Comments on Paglalayag habang Naggagala ang Hilaga: Ano kaya ang magandang pangalan ng isang writing group?Anonymoushttp://www.blogger.com/profile/18101673112870605671noreply@blogger.comBlogger2125tag:blogger.com,1999:blog-6512494.post-23775591293256342262008-08-20T12:59:00.000+08:002008-08-20T12:59:00.000+08:00Maraming pong salamat sa komento. Kaming dalawa la...Maraming pong salamat sa komento. Kaming dalawa lang ni En ang nag-isip nito at mostly joke siya na medyo napaseryoso. Yung pagbanggit sa Palanca, inaalaska ko lang si En.

Pero kagaya ng sinabi ko, ideya pa lamang ito na napag-usapan ng dalawang tao pagkatapos kumain ng barbecue. Impetuousness lang siguro sa aming bahagi. Yung nga sigurong kagustuhang hanapin ang lugar sa loob ng panitikan pinanggagalingan ng aming (o aking) anxiety. At iyon nga rin yung isa pang tanong, uulitin din lang ba namin ang mga natutunan namin mula sa mga nauna sa amin o kaya ba naming tumahak sa ibang direksiyon? Sa pagbasa ko ng libro ninyo, ni Khavn, allan derain, alvin yapan, rolando tolentino, atbp., parang ang hirap-hirap nang sundan. Hindi naman parangal ang hinahanap namin, siguro mga simulain lang tungo sa personal pagtataya namin sa panitikan. Siguro kailangan pang tumanda nang kaunti at sumulat pa nang kaunti para maging mas sigurado.Anonymoushttps://www.blogger.com/profile/18101673112870605671noreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-6512494.post-66638474987246621422008-08-20T03:00:00.000+08:002008-08-20T03:00:00.000+08:00"Ang tanong lang talaga siguro kung paano kami mai..."Ang tanong lang talaga siguro kung paano kami maiiba sa mga nauna sa anin gayong naging mga guro namin sila. Kaming henerasyon na lumaki sa mga workshop. O kung may punto pa ba ang mga grupo-grupo sa panahon ng postmodernismong pamumuhay. Ewan. Ideya pa lang naman ito e. Komento kayo kung may suhestiyon kayo o kuro-kuro."

- Napadpad ako dito kasi may nagsabing may kuro-kuro ka raw sa libro ko. Maraming salamat.

Hinggil sa pagbubuo ng grupo ng mga kuwentista, palagay ko magandang gawing gabay ang mga naging guro sa panitikan pero hindi dapat sila ang magtakda ng mga tuntunin hindi lang sa grupo pati na rin sa mas malawak na usapin ng panitikan.

Sayang lang kasi ang pagod kung magiging hawig lang sa mga existing writers group ang itatayo ninyo.

Maraming isyu ang kailangang tutukan sa (maikling) kuwento na mahirap pag-usapan dahil sa katotohanang wala halos nagpapublish nito. Dito pa lang, malaking balakid na.

Hindi naman puwedeng maging batayan lang ng panitikang Pilipino ang mga nananalo sa mga patimpalak pampanitikan. Papayag ba tayo na ang masasabing makabuluhang maikling kuwento lamang ay ipapaubaya na lang natin sa pananaw ng tatlong hurado sa mga patimpalak na ito?kontra-dictionhttps://www.blogger.com/profile/14400397667783479485noreply@blogger.com